Kahirapan ang pangunahing problemang kinakaharap ng bansa ngayon base sa aking nakikita. Bukod sa kakulangan ng hanapbuhay at tirahan ng mga kababayan nating hirap sa buhay, gutom rin ang isa sa mga problema nila. At dahil sa gutom, marami ang mga batang kulang sa nutrisyon at ang iba naman ay madalas magkasakit.
Karamihan sa mga hirap sa buhay ay ang mga kababayan nating mga katutubo kagaya ng mga Badjao. Kalimitan sa kanilang mga lugar ay hindi sibilisado kung saan kakaunti lamang ang nakakapag-aral at nakakapagtrabaho ng matino. Kaya naman, lumuluwas sila sa mga syudad upang makipagsapalaran sa buhay sa pamamagitan ng panglilimos ng pera at pagkain. Natutulog sa kalye kasama ng pamilya at ang kanilang mga sanggol.
Nang minsan akong naglalakad sa isang pasyalan ay sinalubong ako ng mga maliliit na bata at nanghihingi ng makakain. Wala akong barya noon kayat kahit nakokonsenya ako, hindi ko nalang sila pinansin. Oo, aaminin ko minsan hindi ako nagbibigay ng limos sa kanila. Ang mga batang nakasalubong ko ay mga batang Badjao na isa sa mga lumuwas upang manglimos. Ang katawan nila ay payat at bansot subalit malalaki ang mga tiyan nila. Mapuputla ang mga labi at mapapansin rin na hindi pa sila nliligo at nagpapalit ng damit. Puting puti ang kanilang mga mata at sira ang mga ngipin at halatang gutom, kulang sa timbang at sustansya. Nang sila'y aking sinundan ng tingin ay nakita kong papunta siya sa isang babaeng may bitbit na sanggol na ani mo'y hindi pa nababakunahan simula ng pagkasilang. Parang dinurog ang puso ko sa aking nasilayan at sa katotohanang hindi ko sila matutulungan dahil ako ay isang estudyante lamang na humihingi pa ng pambaon sa magulang.
Sa estado ng mga batang nakita ko ay sigurado akong kulang sila sa mga nutrisyon kung saan tatawaging malnutrisyon. Masasabing ito ay malnutrisyon kapag ang bata ay bansot, malalaki ang tiyan at nanghihina. Maaari rin silang magkaroon ng mga impeksyon at madalas sipunin. May dalawang uri ng malnutrisyon. At sa nakita ko, positibo akong malnutrisyon ang dinaranas ng mga batang iyon. At sa palagay ko rin, kailangan itong maagapan bago pa man may mangyaring masama sa kanila.
Tayong mga kabataan ay may magagawa upang matulungan ang mga batang ito. Sana lang magkaisa tayo upang maipaabot ang mensaheng ito sa ating gobyerno o sa mga taong nais tumulong nang sa ganon ay malapatan naman ng ngiti ang mga labi ng mga batang gutom. Hindi lamang dito sa Mindanao, kundi sa lahat ng parte ng Pilipinas na hindi naaabutan ng tulong.
Saul Villamil 11 confucius
No comments:
Post a Comment