Tuesday, 4 October 2016

KATIWALIAN SA PAMAHALAAN

Personal Blog

  Sa paksang ito masasabi ko na ito ang isang problema na pinag-uusapan ng lahat. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa. Masasabi ko sa usaping ito ay hindi maganda at mali lalo na't ang gumagawa nito ay ang may posisyon. Ito'y hindi magandang emahe sa bansa.  Dahil sa mga katiwaliang nangyayari sa ating bansa hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi. Maraming isyu napapanood ko sa  telebisyon at masasabi ko,  hindi na akma at lumalala na ang mga nangyayari. Nakakainis na at pagod na akong makinig at manood sapagkat ang gumagawa nito ay yun pa ang may posisyon at pinagkakatiwalaan ng sambayanan,  na ang akala nila yung pinili nilang mga leader ang mag-aahon at gagawa ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.  At yun pala, ang mga leader na kanilang pinili ay ang maglulubog sa kanila sa kahirapan.  Ang mga leader na gumagawa ng Corruption/ Katiwalian sa Pamahalaan ay walang puso, walang konsensya ang namamayani sa kanilang mga puso.  Papano nila nagagawa ang ganitong karahasan. Hindi ba nila alam na sa kanilang ginagawa ay kawawa ang mga tao? Hindi napupunta ang pera sa tamang lugar kasi nga binubulsa nila ito ng palihim at sarili lang nila ang kanilang iniisip.  Hindi nila iniisip kung ano ang mangyayari sa bansa at sa mga taong kanilang pinaglilingkuran.

 Nanunumpa pa sila na tutulungan nila ang taong bayan na makaahon sa kahirapan pero hindi pala.  Kinain lamang nila ang kanilang sinabi. Ako'y galit sa kanilang ginagawa at tinatanong ko nalamang ang aking sarili kung pano at sino ba ang makatutulong sa taong bayan upang matuligsa ang mga taong ito. Sana'y dumating na ang araw na magkakaroon na ng kaayusan dito sa ating bansa.

 Sana ay mangyari ito.  Hihintayin ko ang araw na magkakaroon na ng pagbabago dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng isang tao na may malasakit at may pagmamahal sa bayan upang makamtan at mawala na ang kahirapan at iba pang problema na kinakaharap ng mga taong bayan dito sa bansang ating Sinilangan.


 Catherine Mari M. Alibadbad 11- Confucius

No comments:

Post a Comment