Sa halos labing anim kung naranasan na kahirapan hindi ko na maikukubli ang gutom at pangaraw-araw na gastusin , gutom at kakulangan.
sa bawat araw na lumipas mai inialay parin ang diyos para sa amin upang kami'y mabuhay at unti-unting maka ahon sa kahirapan , lubos nga akung nagpapasalamat sa aking ama dahil kahit anung hirap ang aming na daanan hindi parin sya sumusuko . Bilang isang mag-aaral tungkulin kung makapag tapos upang at maitaguyod ng mabuti ang aking sarili , bawat tao naman ay nakakaranas ng kahirapan hindi lng kami at alam ng diyos kung bakit natin ito nararanasan ngayon . Cause i believe in the saying that "god is always have a plan for everything"
Hindi kulang makalimutan ang mga panahong kami ay hirap na hirap na at halos tinapay at sardinas ang palaging inuulam , sa aking pagka labing-anim taong gulang marami akung napapanood sa mga television na humuhukay sa basura upang sila'y may makain . Kasi naman sa kadalasang tao kahit , hirap na hirap na sa buhay patuloy paring nanganganak kahit halos wala ng makain dahil sa kakulangan ng pangangailangan , para ngang nadurog ang aking puso ng mapanood ko ang isang balita na ipina-ampon ang sariling anak upang sila'y may makain at at may pambiling araw-araw na pangangailangan.
Hindi ko nga halos mapigilan ang aking sarili na itanong sa ating mahal na panginoon na kung bakit bawat tao ay nakakaranas ng kahirapan , naniniwala nga naman ako sa kasabihang "kung may itatanim may aanihin" at sa mga taong kagaya ko na nakakaranas ng kahirapan huwag lang kayung mawalan ng pag-asa at panalig sa diyos , dahil alam ko na ang lahat ng bagay ay may hantungan . Huwag lang tayung mawalan ng pag-asa dahil hindi natin alam ang pinaplano ng diyos para saatin at upang bigyang magandang direksyon ang ating buhay.
Suzette jean B.Revilla
11-confucius
No comments:
Post a Comment