Marami na ang mga taong naghihirap ngayon at ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Bakit tayo naghihirap? Madalas sinisisi natin ang maling pagpapalakad ng gobyerno, sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino at para sa akin mayroon din namang kasalanang ang mga namamahala sa ating bansa dahil sa kanilang maling gawain, katulad na lamang ng pagbubulsa sa kaban ng bayan at ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga politiko para sa sarili nilang interes. Para sa akin sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Isa din sa dahilan kung bakit tayo naghihirap ay dahil sa kawalan ng trabaho at walang maayos na trabaho dahil sa hindi man lang nakapagtapos nag pag aaral dahil ka katamaran o kapus sa pera.
"Katamaran ay katumbas ng kahirapan”.
Ang iba sa halip na maghanap ng kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal at habang natatalo ay lalong nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-baon sa utang na lalong nagpapalugmok sa kahirapan.
Isa din sa mga dahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino.
Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan at ayaw mag sikap pero nangangarap ng masarap na buhay?
Paano nga naman sasarap ang buhay kung nakatunganga lang sa bahay.
Pangunahing sanhi ng kahirapan sa Pilipinas ay ang sapilitang pangingibang bayan ng mga pilipino upang maghanap ng ikabubuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan ito ay dala ng labis na kahirapan ito ang naging tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw araw na pamumuhay. Isa din sa sanhi ng kahirapan ay ang pagnanakaw o pagkasangkot sa droga at kriminalidad sa bansa na lumalaganap na sa ating bansa ngayon. At ang pinakamatinding dahilan ng kahirapan sa pilipinas ay ang "corruption" ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno ito ang pinakamalupit na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na may mga kapangyarihan sa pamahalaan.
Ngayong bago na ang ating pangulo sana matikman na natin ang pagbabago na ipinangako niya sa bawat Pilipino.
-Rosemarie M. Andrino-
No comments:
Post a Comment