Tuesday, 4 October 2016

Mga Kadahilanan ng Kahirapan

        Mahigit kalahati ng populasyon ng bansa ay dumaranas ng kahirapan, kagutuman, at kawalan ng pagkakataon para mabuhay ng disente. Tumaas na naman ang bilang ng mga walang trabaho at mga mahihirap sa ating bansa. Ang kahirapan ay nagaganap dahil sa kakulangan sa edukasyon, kawalan ng trabaho, paglobo ng populasyon, kawalan ng suporta ng gobyerno at korupsyon.

      Ang edukasyon ay isang malaking salik sa kahirapan. Ang isang taong hindi nakapag-aral o nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ay mahihirapang makahanap ng magandang trabaho na mayroong magandang kita. Ang taong hindi edukado ay mahihirapang humanap ng trabaho at dahil dito sila ay lalong maghihirap. Ang magiging anak nito ay mahihirapang mag-aral dahil sila ay walang sapat na pera. Sa paglobo ng populasyon, ang ating gobyerno ay nahihirapang suportahan ang lahat ng mamamayan. Masasabing ito ay isang problema ng maraming bansa. At isa sa mga bansa na nararanasan ang problemang ito ay ang bansa natin Pilipinas. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabilis na pagdami ng populasyon. Ang pagkakaroon ng napakalaking populasyon ay nagbubunga ng napakaraming problema. At sa bawat segundo na lumilipas ang ating populasyon ay parami ng parami. Ano pa kaya pagkalipas ng ilang taon? hindi nalalayo sa katotohanan na madoble pa ang bilang natin ngayon.Mayroon ring mga pagkakataon na ang gobyerno rin ang may kasalanan. Batay sa ating kaalaman na mayroon tayong mga opisyal sa gobyerno na patuloy na gumagawa ng korupsyon. Ang pondo na dapat ay mapupunta sa ating mamamayan ay napupunta sa mga bulsa ng ating mga opisyal. Sa dahilan na ito, ang mga taong mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mga mahihirap ay lalong nalulubog sa kahirapan.Kung tayo ay nagkaroon ng pakialam sa ating kapaligiran maaaring hindi ganito kalala ang kahirapan sa ating bansa ngayon. Wala tayong dapat sisihin kundi ang ating mga sarili sa matinding suliraning ito.

         Ang solusyon sa mga suliraning ito ay ang pagpapaunlad ng ating bansa sa pamamagitan ng tamang pamamalakad ng gobyerno at pagkawala ng korupsyon sa ating bansa. Huwag tayong mawalan ng pag-asa na umunlad dahil kung magkakaisa at iintindihin natin ang isa't-isa, hindi lang tayo makabangon sa kahirpan, magiging isa rin tayo sa pinakamayamang bansa sa buong mundo.



Ni: Jade Y. Camare

No comments:

Post a Comment