Maraming tao
ang naghihirap sa ating panahon ngayon. Ang kahirapan ang isa sa mga
pinakamalaking problema ng ating bansa. Madalas nating sinisisi ang maling
pamamalakad ng ating pangulo, pero dapat ba natin siyang sisihin sa kanyang pamamalakad?
Marami nga ang nagsasabi na “ Ang katamaran ay katumbas ng kahirapan” at marami
rin ang nagsasabi na ang mga Pinoy ay tamad kaya marami ang naghihirap.
Hindi lahat ng tao nakakahanap ng trabaho at nakakapagtapos ng
pag-aaral. May mga tao dito sa Piliinas ang hindi kumakain ng tatlong (3) beses
sa isang araw at kahit ang mga bata ay nadadamay na din sa kahirapan ng
kanilang pamilya dahil hindi na sila pumapasok sa paaralan para makatulong sa
kanilang pamilya at para makahanap ng pagkain at pera para sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay at pangangailangan. At ang pinakamasaklap sa lahat
ay kahit mga bata ay tinuturuan at natututo na ring magnakaw at natuto na ring
magrebelde sa murang edad nang dahil sa kahirapan. May mga tao na rin ang
nagbibenta ng mga parte ng kanilang katawan para magkapera at may pangtustos sa
kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Dahil din sa kahirapan, marami ang gumagamit ng droga o mga
pinagbabawal na gamot at dahil dun, marami nang nangyayaring mga extra judicial
killings ditto sa Pilipinas. May mga pinoy na rin ang nangingibang bansa para
magkatrabaho at kadalasan sa kanila ay dun na manirahan upang makaipon at para
maiwasan ang kahirapan dito sa Pilipinas. Maiiwasan natin ang kahirapan kung
tayo ay magkaisa at magtutulungan upang ang lahat ng mga taong hindi
nakapa-aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay makapag-aral ng maayos at
makapag-aral ng walang bayad. At ang lahat ng mga taong walang trabaho ay
tutulungan nating makahanap ng trabaho kahit hindi kalakihan ang sahod na
kanilang matatanggap, basta makasya nila sa kanilang pang-araw-araw na pangangailan at makakain ng
tatlong (3) beses sa isang araw.
-Kharylle Vanne Abregana
No comments:
Post a Comment