Saturday, 1 October 2016

Kahirapan sa Pilipinas

       Ano ba ang mga sanhi ng kahirapan ng mga Pilipino? Ang kahirapang nagaganap ay dahil sa apat na rason, ang kakulangan sa edukasyon, lumalaking populasyon, kawalan ng trabaho, at ang korupsyon. Ang apat na ito ay konektado sa isa’t-isa. Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa mga pangunahin na nagdudulot ng kahirapan ng pilipinas. Kung ating titingnan ang kalagayan ng mga mag aaral, sampu sa mga estudyanteng nag-aaral ng elementary ay anim lamang sa kanila ang nakakapasok sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag aaral na nararaasan nila, nagiging sanhi ito upang may mga batang pinipili na lamang na  maghanap ng trabaho o di kayanama’y huminto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kung susuriin ang lahat ng mga ito ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyante ang may kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral. Dahil sa mataas na matrikula sa kolehiyo nawawlan ng kakayahan makapag-aral ang mga mahihirap. At dahil sa kakulangan ng edukasyon sa ating bansa ito ang nagiging resulta o bunga ng kakulangan sa trabaho. Dahil sa kakulangan ng kakayahang makapag-aral, ito din ang nagiging dahilan upang hindi sila makahanap ng magandang trabaho. Ang ilan naman ay mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso at nakakapagtrabaho ng di tugma sa kanilang kursong natapos na tinatawag na “underemployed” at masasabing ang hindi pagtatapos ng ilang mga estudyante ay nagpapadami ng mga taong walang trabaho o tinatawag na “unemployed”. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho. Kung ating mapapansin karamihan sa mga walang trabaho ay laging nasa bahay, walang ginagawa o walang magawa o mapaglilibangan kaya nagiging pampalipas oras ng mag-asawa ang magtalik na nagsasanhi ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas.

//Angelica Bermoy

No comments:

Post a Comment