Alam
nating mga Pilipino na ang KAHIRAPAN ang pangunahing suliranin sa ating
lipunan. Tanong ng karamihan kailan at paano natin masosolusyonan at makakamtan
ang minimithing kaginhawaan.
Sa
panahon ngayon masasabi nating kahit may pinag-aralan ka man mahirap ka pa rin
makahanap ng marangal na trabaho. Bakit? Dahil sa kakulangan ng angkop na
oportunidad para sa kanilang natapos.
Ang bawat tao ay may kanya-kanyang ugali at
pananaw sa buhay, isa rin ito sa mga dahilan ng kahirapan. Dahil sa iba-ibang
paniniwala na hindi sakop ng kanilang kurso ang bakanteng posisyon sa isang
kompanya ay binabalewala na lang ito. At may kompanya rin namang nambabalewala
at tinitingnan lang ang titulong natapos at hindi ang husay at kakayahan nito.
Hindi
lingid sa atin na maraming mamamayan ang isang kahig, isang tuka dahilan na rin
ng kawalan ng disiplina at pag-asa sa buhay. Isa na rin ang social class sa
ating bansa. Sa uri ng ekonomiya meron ang pilipinas makapangyarihan ang
mayayaman, nakaaangat ang may alam. Kaya minsan may mga taong kapit sa patalim
dahil sa kahirapan.
Kailangan
ng tamang diskarte sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa. Mahirap ka man o
mayaman basta may SIPAG AT TIYAGA tiyak ang TAGUMPAY.
Dizzy Geromo 11 Confucius
No comments:
Post a Comment