Kung mapapansin natin, ang Pilipinas ay talagang madaling matamaan
ng mga sakuna at kalamidad. Halimbawa nito ay pagkakaroon ng malakas na
pag-ulan. Ang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagdudulot agad ng malawakang
pagbaha sa mga natamaang mga lugar na nagiging sanhi ng mga sakuna tulad ng
pagkakaroon ng lagnat, sipon ubo at iba pa. Kadalasan ang natatamaan nito ay
mga bata. Ang Leptospiroses Dengue at iba pa ay dulot ng mga maruruming tubig
na dala ng ulan. Ang pinakasanhi talaga ng mga pagbaha ay ang kawalan ng
daluyan ng tubig.
Isa pang lumalalang sakit ngayon ay ang Zika Virus na dulot ng mga
lamok. Mga lamok na kay liliit pero maaaring wakasan ang iyong buhay ng isang
iglap lang. Ang Zika Virus ay may kaugnayan sa mga virus tulad ng Dengue, West
Nile, at Yellow Virus. Ito ay isang lamok na may dalang virus o nalipat na
virus, at ang pangunahing lamok na nagdadala ng virus ay tinatawag na Aedes
Aegypti, kung saan magkaparehong pangalan sa lamok na may dalang dengue. Ayon
sa WHO ang Brazil ay isa sa mga malalaking bansa kung saan maraming mga
mamamayan ang naapektuhan ng Zika Virus. Kumakalat din ito sa bansang Amerika.
Talagang lubhang napakadelikado ng Virus na ito. Marami-rami narin ang mga
naitatala na natamaan ng sakit na ito dito sa Pilipinas at dapat ay maging
handa tayo sa maaaring pagkalat nito sa atin.
Kung pagbabasehan, ang Pilipinas ay talagang hindi pa kagaaong
kahanda sa mga sakunang katulad nito. Gayunpaman, mas makakabuting mag ingat
tayo sa lamok. Panatilihing malinis ang paligid at iwasan ang pag-imbak ng
tubig na maaaring bahayan ng lamok. Isa ding paraan ay ang paglalagay ng screen
ng mga bintana upang hindi makapasok ang lamok sa bahay. Kung maaari, magsuot
ng pajama, long sleeves o mga damit na mahaba sa gabi upang makaiwasa sa kagat
ng lamok. Iwasan rin ang pagtatapon ng basura kahit saan. Ang mga plastics at
cellophane ay nagdudulot ng pagbara sa mga kanal. Mas mabuti pa rin gawin ang
palaging paghahanda sa una palang agad. Sabi nga nila prevention is better than
cure at harapin natin kung ano mang mga sakunang dadating dito sa atin na may
pananalig sa Poong Maykapal.

