Saturday, 8 October 2016

Kahandaan sa Sakuna at Kalamidad

Kung mapapansin natin, ang Pilipinas ay talagang madaling matamaan ng mga sakuna at kalamidad. Halimbawa nito ay pagkakaroon ng malakas na pag-ulan. Ang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagdudulot agad ng malawakang pagbaha sa mga natamaang mga lugar na nagiging sanhi ng mga sakuna tulad ng pagkakaroon ng lagnat, sipon ubo at iba pa. Kadalasan ang natatamaan nito ay mga bata. Ang Leptospiroses Dengue at iba pa ay dulot ng mga maruruming tubig na dala ng ulan. Ang pinakasanhi talaga ng mga pagbaha ay ang kawalan ng daluyan ng tubig.

Isa pang lumalalang sakit ngayon ay ang Zika Virus na dulot ng mga lamok. Mga lamok na kay liliit pero maaaring wakasan ang iyong buhay ng isang iglap lang. Ang Zika Virus ay may kaugnayan sa mga virus tulad ng Dengue, West Nile, at Yellow Virus. Ito ay isang lamok na may dalang virus o nalipat na virus, at ang pangunahing lamok na nagdadala ng virus ay tinatawag na Aedes Aegypti, kung saan magkaparehong pangalan sa lamok na may dalang dengue. Ayon sa WHO ang Brazil ay isa sa mga malalaking bansa kung saan maraming mga mamamayan ang naapektuhan ng Zika Virus. Kumakalat din ito sa bansang Amerika. Talagang lubhang napakadelikado ng Virus na ito. Marami-rami narin ang mga naitatala na natamaan ng sakit na ito dito sa Pilipinas at dapat ay maging handa tayo sa maaaring pagkalat nito sa atin.

Kung pagbabasehan, ang Pilipinas ay talagang hindi pa kagaaong kahanda sa mga sakunang katulad nito. Gayunpaman, mas makakabuting mag ingat tayo sa lamok. Panatilihing malinis ang paligid at iwasan ang pag-imbak ng tubig na maaaring bahayan ng lamok. Isa ding paraan ay ang paglalagay ng screen ng mga bintana upang hindi makapasok ang lamok sa bahay. Kung maaari, magsuot ng pajama, long sleeves o mga damit na mahaba sa gabi upang makaiwasa sa kagat ng lamok. Iwasan rin ang pagtatapon ng basura kahit saan. Ang mga plastics at cellophane ay nagdudulot ng pagbara sa mga kanal. Mas mabuti pa rin gawin ang palaging paghahanda sa una palang agad. Sabi nga nila prevention is better than cure at harapin natin kung ano mang mga sakunang dadating dito sa atin na may pananalig sa Poong Maykapal.



~Reynald Lumamba~

Friday, 7 October 2016

Kawalan ng Trabaho

    Sa ating bansa, isa sa mga problema na hinaharap natin ay ang unemployment o kawalan ng trabaho. Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay tumutukoy sa mga taong walang trabaho o hanapbuhay na maaring humantong sa kahirapan. Isa na sa mga naghihirap sa problemang ito ay ang mga Pilipinong walang pinagaralan o walang natapos na kurso dahil ito ang pinaka importanteng kwalipikasyon sa pagkuha ng trabaho. Marami sa mga kababayan natin ang walang pinagaralan dahil sa kakulangan ng pera o suportang pinansyal na natatanggap nila sa kanilang magulang.

    Mayroong mga paraan para masolusyunan ang problemang ito, ang pagpaparami ng negosyo sa ating bansa ang isa sa mga epektibong solusyon sa problemang ito dahil pag dumami ang negosyo, tataas ang employment rate o bilang ng trabaho at maaari itong maging oportunidad ng mga taong walang trabaho. Ang pagkuha ng mga vocational courses ay isa sa mga  mainam solusyon sa problemang ito dahil dadami ang iyong oportunidad para makakuha ng trabaho kapag ikaw ay nakapasa sa kurso. Ganito kahalaga ang edukasyon dahil pag walang pinag-aralan ang isang tao, mahihirapan siyang makakuha ng trabaho at maaring humantong sa kahirapan.


/Edsel Jay A. Perez

Ang Mundo ng mga Mahihirap

               Ang kahirapan ay isa sa mga balakid sa buhay ng isang tao. Talamak na ngayon ang mga balita tungkol sa malubhang kalagayan ng mga mahihirap sa ating bansa. Maraming mga bata ang natutulog ng gutom at hindi nakakapag-aral. May mga tao ring iniinda na lamang ang kanilang kalagayan dahil walang pambayad sa ospital. Kay hirap isipin na lalo pang dumadami ang populasyon ng mga mahihirap sa ating bansa.

               Ang kahirapan nga naman ay nakakalungkot isipin. Ang hirap makita na walang kinakain ang isang pamilya. Mga batang walang tirahan kung kaya't palaboy-laboy sa kalye at nanlilimos. Nasasangkot sa pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na droga. Humahantong ito sa pagsama sa maling barkada.Isa sa mga epekto nito ay maagang pakikipagtalik at paggawa ng mga masasamang gawain. Ilan lamang ito sa mga nakakalungkot na resulta ng kahirapan. Kahirapan ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga nangyayaring di kaaya-ayang mga pangyayari sa ating paligid.

              Dagdag pa nito, ang kahirapan ay nagdudulot ng mga krimen na perwisyo kung maituturing. Maraming mga balita tungkol dito. Madalas ang sangkot ay mga batang musmos na gumagawa ng pagnanakaw dahil sa pangangailangan na may pambili ng pagkain. Mga nalulunong sa droga dahil sa problema sa pamilya. Isa na rito ang panggagahasa lalo na sa mga inosenteng batang babae at humahantong pa sa pagpatay. Ang mga nangyayaring pagdukot, pananamantala, at panloloko ay ilan sa mga resulta dulot ng kahirapan. Talagang nakapanlulumo ang mundo ng mga mahihirap sapagkat nang dahil sa pangangailangan nila ay gumagawa sila ng di- magandang bagay na pwedeng mauwi sa kamatayan.

               Sa ngayon, patuloy ang paglala ng mga ilegal na gawaing ito. Dahil dito, kailangan na kahit paunti-unti mabawasan sana ang populasyon ng mga mahihirap sa Pilipinas. Kung kaya kung walang mahirap, walang mga kriminal ang naghahanap ng kanilang mga target. Sana'y bigyan ng pondo ng pamahalaan ang pagtulong sa mga mahihirap. Ito man ay pinansyal o pangkalusugan na aspeto. Totoo ngang ang pag-unlad ay nakasalalay sa mga mamamayan. Kapag ang tao ay labis ang kahirapan na dinaranas sa buhay ay nagdudulot ng mga problema sa pulitika at sosyal. Sadyang kay hirap ng buhay ngunit wag tayong mawalan ng pag-asa at manalig sa Diyos ng may puso at diwa.



Jenel Rose R. Ochavillo
             

Thursday, 6 October 2016

Kahirapan

Kahirapan, suliraning pilit hinahanapan ng solusyon ... solusyong pinakaaasam-asam ng ating mga mamamayang sadlak sa hirap at nananatili sa piitan ng paghihinagpis na dulot ng kasakiman at pang-aalipusta ng kapalaran. Sino ba ang nararapat na sisihin? Sila ba na sadyang biktima lang ng mga taong nasa tuktok ng tagumpay na pilit na iminumudmod sa lupa ang mga mamamayang nasanay na sa lunti, tuluyan nang pinagkaitan ng pag-asa? O sila na nasa rurok ng tagumpay na mistulang diyos sa isang pamayanan na ginagawang libangan ang makita ang kasawian ng iba? Walang sino man ang nakagawa ng solusyon sa kahirapan ng lahat ng mamamayan, kahit sinong eksperto pa ang tanungin mo, magsaliksik ka man hanggang sa hangganan ng kaalaman, iisa lamang ang may kakayahang bumangon mula sa pagkakasadlak sa kasawiang iyon, kung hindi ay ang mismong indibidwal na naghihirap. Oo maraming naghihirap dahil sa katiwaliang nangyayari sa ating sariling pamahalaan, ngunit hindi ito nagbibigay sa atin ng karapatan na magdamag na mag reklamo sa lahat ng mga katiwaliang ito. Habambuhay na lamang ba tayong aasa sa pag unlad ng ating ekonomiya? Oo, nagsisimula na ang pagbabago, ngunit nararapat din na sa atin mismo magmula ang pagbabago, hindi tayo matatawag na isang produktibong mamamayan kung palagi na lamang tayong aasa sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa atin? Hindi! Hindi tayo dapat ma kuntento sa ganitong sistema. Bumangon ka kapatid, at magsimula ka.

//Sophia Monique Manla

KAHIRAPAN

     
                                                           " KAHIRAPAN"

                      Bilang mag aaral napili ko ang kahirapan dahil madalas itong nangyayari sa ating buhay mg tao napili ko ang kahirapan dahil kabilang ako sa sitwasyong ito.

                       Ang kahirapan ay isa sa mga suliranin sa ating bansa, sa kadahilanang kulang ang mapagtratrabahuan ng mga tao, may mga taong tamad at may mga tao ding nartratrabaho sa pamahalaan na nagnanakaw ng pera ng bayan. Kaya naisioan kung itanomg sa akong sarili paano ba malulutasan ang suliraning ito kung pati ang pamahalaan ay siyang naglulugmok sa atin patungo sa kahirapan.

                      Sa nakikita ko ngayon sa ating lipunan ay may mga taong nangingibang bansa dahil sa lubos na kahirapan. Marami na rin  akong nabalitaan na mat mga OFW na sinasaktan ng kanilang amo at iba pa sa kanila ay pinapatay nakikipagsapalaran sila sa inamg bansa sa pagbabakasakaling  maihaon nila sa kahirapan ang kanilang pamilya, subalit mayroon ding sigalot sa kanilang buhay.


                       Sa ating pananaw ang pagtratrabaho sa ibang bansa ay napakahirap dahil kailangan nilang dumaan sa napakaraming pagubok sa kanilang buhay at lalo na sa kanilang pamilya. Minsan nga'y maitatanong ko sa akong sarili bakit pa sila nangingibang bansa kung mayroon namang matratrabahuan dito sa pilipinas? Bakit pa nila isasakripisyo ang kanilang buhay sa wala?

                      Mahirap isipin ang ganitong pangyayari pero, kailangan nilang mangibang bansa para sa kanilang pamilya. Hanggang ngayon ay mayroon pa rin aking nababalitaan na may inaabusong OFW  at may mga OFW na pinagsasamantalahan ng kanilang amo. Dapat ay may aksyon din na ginagawa ang pamahalaan upang sila ay matulungan.  Kung magpapatuloy pa ang mga ganitong gawain paano na ang pamilya nila?



                                              Ailyn Pinongpong
                                                11 Confucius

KAWALAN NG TRABAHO

            Sa ating bansa isa sa pinaka malaking suliranin ay ang kawalan ng trabaho na sanhi ng mahinang pag unlad ng ating bansa. Sa dinami-dami ng mga estudyanteng nagtapos ng pag-aaral mga, 60% lamang sa kanila ang nakakapagtrabaho agad. Ang naiwang 40% na mga taong walang trabaho at naghihirap sa kanilang buhay. Sa pagkakawala ng trabaho, unti unting humihina ang ekonomiya ng bansa. Bakit nga ba nangyayari ang sularinanin na ito?

          Isa sa mga sanhi ng kawalan ng trabaho ay ang pagtaas ng demand o standard ng companya o trabahong kinukuha.Dahil dito,nalilimit ang tsansa ng mga taong naghahanap ng trabaho na makapasok. Sanhi din ang maling pagkuha ng kurso sa kolehiyo dahil hindi gusto,napilitan ng magulang at para may degree lang na maipakita. Ang maling pagkuha ng kursong hindi sangay sa kagustuhan at kakahayan ay nagreresulta nito : Nalalagay ang empleyado sa maling trabaho at hindi na tataas ang performance na dapat ipakita ng companya nito. Ang huling sanhi ay ang paggraduate sa hindi “high end” na unibersidad. Nakikita ng employer na kapag ang isang employee ay nakapag tapos sa isang prestirhiyosong unibersidad katulad ng Ateneo, Far Eastern University, De La Salle at iba pa kahit hindi naman gaanong kagalingan ay agad nitong kukunin sa trabaho at hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang ibang employeeng nakapagtapos lamang sa mga local na unibersidad at may kagalingan. Ang pagstetereotype ay nagapabawas at nagpapatagal ng pag unlad ng ating bansa.


           Hindi parin mapipigilan ang kawalan ng  trabaho sa bansa. Sa kabila nito, ang ibang problema rin ay umaahon at nagiging hadlang na in sa bansa. Ngunit sa lahat ng mga nangyari, hindi parin natin mapipigilan ang mga Pilipino sa pagkamit ng masaganang buhay. Hindi man ngayon, mararating din natin ang panahon na magiging masagana at matiwasay ang buhay ng mga Pilipino at uusbong ang Pilipinas sa kahirapan.


Karen Joy B. Robines- Gr. 11 Confucius



Wednesday, 5 October 2016

Kawalan ng trabaho

     Maraming dahilan kung bakit maraming tao naghihirap. Isa sa mga dahilan ay ang pagkawalan ng trabaho. Makikita natin sa ating mga komunidad na pa minsan minsan ay may dumadaan na mga tao na humihingi ng pera, minsan din ay may mga tao na magiging magnanakaw para lang may magawa sa kanilang buhay. Ito ang kadalasang mangyayari kapag mawalan ng trabaho ang isang tao, magiging pulubi o magnanakaw, ngunit meron ding iba kapag mawalan ng trabaho ay mag-isip sila ng paraan para makagawa sila ng kanilang sariling hanapbuhay. Ito sana ang pipiliin ng mga tao na gagawin kapag wala silang mahanap na trabaho.

     Ngunit alam na ng lahat na marami ang walang trabaho, hindi makikita na ang pamahalaan ay may ginagawa tungkol sa ganitong isyu. Ang pagkawalan ng trabaho ay isa din sa mga pangunahing isyu dito sa bansa. Nagdudulot ito nga kahirapan at na pupunta ang mga tao sa masamang gawa para lang may hanapbuhay. Ang pagiging korup din ng ibang pamahalaan ay hindi nakakatulong sa sitwasyon ng mga tao, dahil may posibilidad din na dahil sa korupsyon kung bakit sila nawalan ng trabaho. Ngunit nasa tao lamang ang desisyon na ito, kung kayanin nila na maggawa ng kanilang sariling hanapbuhay o pupunta sila sa pagnakaw o pagbenta ng mga illegal na droga. Nasa tao lamang kung bibigay siya ng determinasyon para makahanap ng bagong trabaho o maging tamad at magbenta na lang ng mga bawal na gamot.

//Baloyo, Bea Faye