Sa ating
bansa isa sa pinaka malaking suliranin ay ang kawalan ng trabaho na sanhi ng
mahinang pag unlad ng ating bansa. Sa dinami-dami ng mga estudyanteng nagtapos
ng pag-aaral mga, 60% lamang sa kanila ang nakakapagtrabaho agad. Ang naiwang
40% na mga taong walang trabaho at naghihirap sa kanilang buhay. Sa pagkakawala
ng trabaho, unti unting humihina ang ekonomiya ng bansa. Bakit nga ba
nangyayari ang sularinanin na ito?
Isa sa mga
sanhi ng kawalan ng trabaho ay ang pagtaas ng demand o standard ng companya o
trabahong kinukuha.Dahil dito,nalilimit ang tsansa ng mga taong naghahanap ng
trabaho na makapasok. Sanhi din ang maling pagkuha ng kurso sa kolehiyo dahil
hindi gusto,napilitan ng magulang at para may degree lang na maipakita. Ang
maling pagkuha ng kursong hindi sangay sa kagustuhan at kakahayan ay
nagreresulta nito : Nalalagay ang empleyado sa maling trabaho at hindi na
tataas ang performance na dapat ipakita ng companya nito. Ang huling sanhi ay ang
paggraduate sa hindi “high end” na
unibersidad. Nakikita ng employer na kapag ang isang employee ay nakapag tapos sa
isang prestirhiyosong unibersidad katulad ng Ateneo, Far Eastern University, De La Salle at iba pa kahit hindi
naman gaanong kagalingan ay agad nitong kukunin sa trabaho at hindi na
mabibigyan ng pagkakataon ang ibang employeeng nakapagtapos lamang sa mga local
na unibersidad at may kagalingan. Ang pagstetereotype ay nagapabawas at
nagpapatagal ng pag unlad ng ating bansa.
Hindi parin
mapipigilan ang kawalan ng trabaho sa
bansa. Sa kabila nito, ang ibang problema rin ay umaahon at nagiging hadlang na
in sa bansa. Ngunit sa lahat ng mga nangyari, hindi parin natin mapipigilan ang
mga Pilipino sa pagkamit ng masaganang buhay. Hindi man ngayon, mararating din
natin ang panahon na magiging masagana at matiwasay ang buhay ng mga Pilipino
at uusbong ang Pilipinas sa kahirapan.
Karen Joy B. Robines- Gr. 11 Confucius
No comments:
Post a Comment