Bilang mag-aaral ang kahirapan ay isa sa mga suliranin sa ating bansa '',Ano nga ba ang kahirapan at saan ito nagsimula?,Bakit tayong mga pilipino ay nagtitiis sa ganitong sitwasyon?,Bakit kailangan nating mga pilipino na makaranas ng kahirapan sa mahabang panahon ?'' sa kasalukuyan ay marami pa ring mga katanungan ang nasa isipan ko.
Sa araw-araw na pamumuhay ko ay marami na akong nariring o nakikitang mga iba't ibang dahilan sa paghihirap ng mga mamamayan ay ang pagiging makasarili sa kanilang kapwa at ang unang matatamaan nito ay ang nasa itaas na namumuno sa bansang pilipinas ''POLITIKO" at sa tingin ko ito ang isa sa mga dahilan ng kahirapan, dahil dito nabuo ang ''KORUPSYON'' pero kahit alam man nating mga mamamayan o hindi kung sino ang mga mukhang pera at sinong mga malalaking kamay ang umako ng pera ng bayan o bansa ay wala pa rin tayong laban dahil sila ay mayaman at kaya nilang bilhin ang hustisya kaya ang mga mahihirap ay nanatili sa pagiging tahimik o walang imik at lalong naghihirap at ang mga mayayaman ay lalo pang nagpapayaman sa pera ng mga mamamayan .
Bawat taon ay tumataas ang antas ng populasyon ng mga dukha at nagtitis sa gutom at naghihintay sa paglipas ng bawat oras, araw, at panahon . at hindi natin maikakaila na normal sa isang pilipino ang pagiging tamad pero hindi lahat iilan lamang dahil bawat isa sa atin ay may ibat ibang dahilan ang iba ay may sinisisi, kawalan ng pag-asa, at hindi makuntento.
Bilang mag-aaral para sa akin ang isa pang dahilan ng kahirapan ay ang pagiging sakim sa kapwa dahil sa silaw sa pera kaya nalimutan na nila na lumingon sa ibaba na kanilang pinag mulan may kasabihan nga tayo na ''Ang Hindi Marunong Lumingon sa Pinanggalingan Ay Hindi Makakarating Sa Paroroonan''.
Kung ang kahirapan ay may dahilan ay mayroon ding sanhi kaya dahil sa paghihirap gumagawa tayo ng ibat ibang paraan na labag sa batas ng Diyos,at batas ng tao at kahit sa ating kalooban kaya maraming mga isyung krimen ang nababalitaan ko araw-araw isa na dito ang pagnanakaw, panggagahasa, at pagpatay ng kapwa tao at ang isa pa dito ay ang sapilitang paggamit at pagbenta ng droga kaya masakit mang isipin ay nabibilang ang mga kabataan sa mga isyung ito.
Ang kahirapan kapag ito ay nagpapatuloy at hayaan nalang nating lumubog tayo dito ay may marami pang mga krimen ang mabubuo dahil ang solusyon sa kahirapan ay nasa ating mga kamay at isipan kung kayat naiisip nating wala na tayong pag-asa ay isa puso natin ang bawat desisyon at huwag kalimutang lumingon sa Diyos ang puong may kapal.
JESSA MAE D. COLENDRES 11 CONFUCIUS
No comments:
Post a Comment