Tuesday, 4 October 2016

Kahirapan ay labanan


         Ano nga ba ang kahirapan ? Alam naman nating hindi na ito bago sa ating pandinig. Sapagkat simula pa noong tayo ay nasa sinapupunan ng ating Ina ito'y kanilang napagdasnan. Na mula pa sa kanilang kanunununoan hanngang napagdasnan ng ating henerasyon ngayon. Tila ba'y parang isang "virus" na ang bilis kumalat, "virus" na hindi mapuksa puksa. 
         
         Magkahalong lungkot at bilib ang aking nadarama sa tuwing ako'y nakakakita ng mga batabg nanlilimos sa kalye. Lungkot, dahil imbes na sa paaralan sila makikita ay sa kalye na, animoy nagpapatentero sa mga malalakig sasakyan. Sa kabilang banda ako'y bilib sa kanila dahil sa murang edad palang ay marunong na silang magbanat ng buto para sa kanilang pamilya. Dahil sa matinding hirap ito'y kanila ng nagawa. Pangalawa rito ay ang iba dahil sa matinding kahirapan, wala na silng ibang magawa kundi ang kumapit sa patalim. Nagnanakaw, nangho hold-up, gumagamit at nagtutulak ng droga para lang may pang tustus sa pamilya. Marami sa kababayan natin ngayon ang walang maayos na matitirhan. Ang iba'y sa ilalim ng tulay tumitira. May iba sa tabi ng kalsada na lang natutulog dahil sa walang pero pampatayo ng bahay na matitirhan.

           Maituturing na isa ang bansang Pilipinas sapinakamahirap na bansa sa buong Asya. Maraming mga Pilipino ang nagkakasakit karamihan mga bata dahil sa walang sapat na pagkain na makain. Kaya napakaraming bata ang malnutrisyon.

            Laganap na ang kahirapan sa ating bansa. Pero ano nga ba ang pinag-ugatan nito ?

            Isa sa mga dahilan  ay ang pagiging tamad nating mga pilipino. Hindi natin maikakaila na may ugali tayong ganito.Sapagkat, naman panatin ito sa mga ibang dayuhan na sumakop sa atin noon. Mas inuunang gawin yung mga walang kabukuhang bagay kaysa sa magtrabahao para may pantustus sa pang araw-araw. Piapairal yung ugali ng maypagka "Manian Habit" yung bang may nag-utos sayo at tanging sabi mo lang ay "okay, mamaya na ".Dahil sa pa maya-maya nayan ay hanggang sa makalimotan at hindi na magawa dahil mas naaliw na sa pag-una sa walang kabuluhang bagay.

             Bukod sa pagiging tamad, pangalawa rito ay ang korupsyon sa bansa.Maayos naman kung magbayad ng buwis ang ating mga kababayan, pero sila'y nagtataka kung saan ito napupunta, nagbabayad naman sila ng tamang buwis pero bakit parang hindi nila naramdaman o natatanggap ang kaukulang benipisyo nito? Hindi nila alam na ang dapat ay para sa mga Pilipinong mas  nangangailanga nito ay tahimik palang pinagsasamatalahan ng tiwaling opisyal ng gobyerno. Kagaya na lang noong isyu sa gobyerno tungkol sa :Pork Barrel" ni Janette Lim Napoles. Kaya pala lugmok tayo sa kahirapan ayeh, dahil narin pala ito sa ating kapwa Pilipino ( mag tiwaling opisyal ng gobyerno) na syang nagbibigay dahilan kung bakit patuloy parin natin nararamdaman itong kahirapan.

             Ang kahirapan ay maituturing na isang problema. Kung may problema may tiyaj na solusyon.

             Ang solusyon na iyan ay magsisimula sa ating mga sarili. Dapat marunong tayong tumayo sa sarili nating mga paa hindi yung asa ng asa lang tayo sa iba. Kung sipag ang papairalin tiyak kahirapa'y mapupuksa. Unahimh gawin yung may makabukuhang bagay na siyang makatutulong sa pagsugpo sa kahirapan. Katiwalian sa gobyerni ay dapat bigyan ng pansin dahil ang opisyal sa  gobyerno dapat ang  siyang magsilbing modelo hindi yung sila yung dahilan kung ba't patuloy tayong lugmok sa kahirapan.

             Sipag, tiyaga, pagtutulongan at pananampalataya sa Maykapal ang kailangan patungo sa kaunlaran.







Queenie L. Laniba

No comments:

Post a Comment