Tuesday, 4 October 2016

KAHIRAPAN

Ako si Prince Roe Pasco mag-aaral ng Tagum City National High School (Senior High).



Para sa akin ang Kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang mithiin ko sa buhay. Bilang mag-aaral , masasabi kong PERA ang pinakamahalagang sangkap upang matustusan ang aking mga pangangailangan sa pag-aaral. Ngunit , dahil salat kami sa buhay maraming beses kong naranasang isakripisyo ang mga bagay-bagay dipende sa prayoridad nito. Minsan nga nabanggit ko nalang sa aking ina na hihinto nalang ako dahil naaawa na ako sa aking mga magulang lalo na't aking nakikita na kahit gabi ginagawang araw sa pagsisikap matustusan lang ang aming pag-aaral. Ngunit ang aking ay hindi pumayag. Ang sabi niya , kahit kapus tayo sa pagtutulungan lahat ay ating malalagpasan. Matuto tayong magpasalamat kong ano lang ang meron. Ang importante buo tayong magpamilya sama-sama nating harapin ang anumang pagsubok na dumating o maari pang dumating. Sa mga sinabing iyon ng aking ina, natauhan ako at naalala na may panginoon nga pala akong dapat lapitan at pasalamatan. 

Ang panginoon ang nagbigay sa akin ng buhay at walang bagay na hindi niya kayang magawa dahil siya ang makapangyarihan sa lahat. Ang gagawin ko nalang ay ang pagtiwal sa kaniya at sa kaniyang pangako. Ang isa sa mga pangako ng panginoon na nagpa-alala sa aking ay makikita sa Jeremiah 3:33 " Tumawag kayo sa akin at sasagutin ko kayo at ipapakita ko sa inyo ang malalaki at makapangyarihang bagay". Ito ang pangako ng panginoon na aking pinaninindigan na sa kabila ng kahirapan hindi ito ang magiging hadlang na makamit ko ang aking pangarap sa buhay." KAPIT LANG SA PANGINOON AT MAGTIWALA"


 DAHILAN KONG BAKIT NAGHIHIRAP ANG MUNDO


Ang Pandaigdigang Kapisanan para sa Pagpapaunlad oWorld Development Organization, ay nagsasabi na ang mga patakaran ng mga pamahalaan at mga banyagang negosyo ang sanhi ng kahirapan. Sila kaya ay tama?
Ang mundo ay may kayamanan at mga kapamaraanan upang wakasan ang kahirapan. Datapuwat halos kalahati ng populasyon ng mundo ay nabubuhay lamang sa halos 1.40 dolyar ($1.40) kada araw. At higit sa labing-isang (11M) milyong mga bata ang mamamatay mula sa mga sakit na sanhi ng kahirapan ngayong taon lamang na ito (basahin ang polyeto na nalathala sa bagong isyu ng “The New Internationalist”). Ang partikular na polyetong ito na pinamagatang, “Hindi ba panahon na upang isakatuparan ang mga paraan upang malunasan ang mga dahilan ng kahirapan?” ay inilathala ng isang organisasyong tinaguriang “World Development Movement” at ito ay maaaring nagmula sa alinman sa mga ibat ibang samahang kawanggawa na nagsusulong sa larangang ito.
Maaaring ang kanilang sinasabi ay totoo – ang mundo ay talagang maraming kayamanan at kapamaraanan para wakasan ang kahirapan – at, oo, lagpas pa sa tamang panahon na isagawa ang paglupig sa mga ugat (o kaya ay ugat) ng kahirapan.
Kung gayon, ano ang sanhi ng pandaigdigang kahirapan? Malinaw, ito ang pangunahing katanungan dahil kung di mo makuha ang tamang kasagutan, di mo rin makakamtan ang tamang solusyon.

SUBMITTED BY: PRINCE ROE B. PASCO    XI-CONFUCIUS

No comments:

Post a Comment