Saturday, 8 October 2016

Kahandaan sa Sakuna at Kalamidad

Kung mapapansin natin, ang Pilipinas ay talagang madaling matamaan ng mga sakuna at kalamidad. Halimbawa nito ay pagkakaroon ng malakas na pag-ulan. Ang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagdudulot agad ng malawakang pagbaha sa mga natamaang mga lugar na nagiging sanhi ng mga sakuna tulad ng pagkakaroon ng lagnat, sipon ubo at iba pa. Kadalasan ang natatamaan nito ay mga bata. Ang Leptospiroses Dengue at iba pa ay dulot ng mga maruruming tubig na dala ng ulan. Ang pinakasanhi talaga ng mga pagbaha ay ang kawalan ng daluyan ng tubig.

Isa pang lumalalang sakit ngayon ay ang Zika Virus na dulot ng mga lamok. Mga lamok na kay liliit pero maaaring wakasan ang iyong buhay ng isang iglap lang. Ang Zika Virus ay may kaugnayan sa mga virus tulad ng Dengue, West Nile, at Yellow Virus. Ito ay isang lamok na may dalang virus o nalipat na virus, at ang pangunahing lamok na nagdadala ng virus ay tinatawag na Aedes Aegypti, kung saan magkaparehong pangalan sa lamok na may dalang dengue. Ayon sa WHO ang Brazil ay isa sa mga malalaking bansa kung saan maraming mga mamamayan ang naapektuhan ng Zika Virus. Kumakalat din ito sa bansang Amerika. Talagang lubhang napakadelikado ng Virus na ito. Marami-rami narin ang mga naitatala na natamaan ng sakit na ito dito sa Pilipinas at dapat ay maging handa tayo sa maaaring pagkalat nito sa atin.

Kung pagbabasehan, ang Pilipinas ay talagang hindi pa kagaaong kahanda sa mga sakunang katulad nito. Gayunpaman, mas makakabuting mag ingat tayo sa lamok. Panatilihing malinis ang paligid at iwasan ang pag-imbak ng tubig na maaaring bahayan ng lamok. Isa ding paraan ay ang paglalagay ng screen ng mga bintana upang hindi makapasok ang lamok sa bahay. Kung maaari, magsuot ng pajama, long sleeves o mga damit na mahaba sa gabi upang makaiwasa sa kagat ng lamok. Iwasan rin ang pagtatapon ng basura kahit saan. Ang mga plastics at cellophane ay nagdudulot ng pagbara sa mga kanal. Mas mabuti pa rin gawin ang palaging paghahanda sa una palang agad. Sabi nga nila prevention is better than cure at harapin natin kung ano mang mga sakunang dadating dito sa atin na may pananalig sa Poong Maykapal.



~Reynald Lumamba~

Friday, 7 October 2016

Kawalan ng Trabaho

    Sa ating bansa, isa sa mga problema na hinaharap natin ay ang unemployment o kawalan ng trabaho. Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay tumutukoy sa mga taong walang trabaho o hanapbuhay na maaring humantong sa kahirapan. Isa na sa mga naghihirap sa problemang ito ay ang mga Pilipinong walang pinagaralan o walang natapos na kurso dahil ito ang pinaka importanteng kwalipikasyon sa pagkuha ng trabaho. Marami sa mga kababayan natin ang walang pinagaralan dahil sa kakulangan ng pera o suportang pinansyal na natatanggap nila sa kanilang magulang.

    Mayroong mga paraan para masolusyunan ang problemang ito, ang pagpaparami ng negosyo sa ating bansa ang isa sa mga epektibong solusyon sa problemang ito dahil pag dumami ang negosyo, tataas ang employment rate o bilang ng trabaho at maaari itong maging oportunidad ng mga taong walang trabaho. Ang pagkuha ng mga vocational courses ay isa sa mga  mainam solusyon sa problemang ito dahil dadami ang iyong oportunidad para makakuha ng trabaho kapag ikaw ay nakapasa sa kurso. Ganito kahalaga ang edukasyon dahil pag walang pinag-aralan ang isang tao, mahihirapan siyang makakuha ng trabaho at maaring humantong sa kahirapan.


/Edsel Jay A. Perez

Ang Mundo ng mga Mahihirap

               Ang kahirapan ay isa sa mga balakid sa buhay ng isang tao. Talamak na ngayon ang mga balita tungkol sa malubhang kalagayan ng mga mahihirap sa ating bansa. Maraming mga bata ang natutulog ng gutom at hindi nakakapag-aral. May mga tao ring iniinda na lamang ang kanilang kalagayan dahil walang pambayad sa ospital. Kay hirap isipin na lalo pang dumadami ang populasyon ng mga mahihirap sa ating bansa.

               Ang kahirapan nga naman ay nakakalungkot isipin. Ang hirap makita na walang kinakain ang isang pamilya. Mga batang walang tirahan kung kaya't palaboy-laboy sa kalye at nanlilimos. Nasasangkot sa pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na droga. Humahantong ito sa pagsama sa maling barkada.Isa sa mga epekto nito ay maagang pakikipagtalik at paggawa ng mga masasamang gawain. Ilan lamang ito sa mga nakakalungkot na resulta ng kahirapan. Kahirapan ang isa sa mga dahilan kung bakit may mga nangyayaring di kaaya-ayang mga pangyayari sa ating paligid.

              Dagdag pa nito, ang kahirapan ay nagdudulot ng mga krimen na perwisyo kung maituturing. Maraming mga balita tungkol dito. Madalas ang sangkot ay mga batang musmos na gumagawa ng pagnanakaw dahil sa pangangailangan na may pambili ng pagkain. Mga nalulunong sa droga dahil sa problema sa pamilya. Isa na rito ang panggagahasa lalo na sa mga inosenteng batang babae at humahantong pa sa pagpatay. Ang mga nangyayaring pagdukot, pananamantala, at panloloko ay ilan sa mga resulta dulot ng kahirapan. Talagang nakapanlulumo ang mundo ng mga mahihirap sapagkat nang dahil sa pangangailangan nila ay gumagawa sila ng di- magandang bagay na pwedeng mauwi sa kamatayan.

               Sa ngayon, patuloy ang paglala ng mga ilegal na gawaing ito. Dahil dito, kailangan na kahit paunti-unti mabawasan sana ang populasyon ng mga mahihirap sa Pilipinas. Kung kaya kung walang mahirap, walang mga kriminal ang naghahanap ng kanilang mga target. Sana'y bigyan ng pondo ng pamahalaan ang pagtulong sa mga mahihirap. Ito man ay pinansyal o pangkalusugan na aspeto. Totoo ngang ang pag-unlad ay nakasalalay sa mga mamamayan. Kapag ang tao ay labis ang kahirapan na dinaranas sa buhay ay nagdudulot ng mga problema sa pulitika at sosyal. Sadyang kay hirap ng buhay ngunit wag tayong mawalan ng pag-asa at manalig sa Diyos ng may puso at diwa.



Jenel Rose R. Ochavillo
             

Thursday, 6 October 2016

Kahirapan

Kahirapan, suliraning pilit hinahanapan ng solusyon ... solusyong pinakaaasam-asam ng ating mga mamamayang sadlak sa hirap at nananatili sa piitan ng paghihinagpis na dulot ng kasakiman at pang-aalipusta ng kapalaran. Sino ba ang nararapat na sisihin? Sila ba na sadyang biktima lang ng mga taong nasa tuktok ng tagumpay na pilit na iminumudmod sa lupa ang mga mamamayang nasanay na sa lunti, tuluyan nang pinagkaitan ng pag-asa? O sila na nasa rurok ng tagumpay na mistulang diyos sa isang pamayanan na ginagawang libangan ang makita ang kasawian ng iba? Walang sino man ang nakagawa ng solusyon sa kahirapan ng lahat ng mamamayan, kahit sinong eksperto pa ang tanungin mo, magsaliksik ka man hanggang sa hangganan ng kaalaman, iisa lamang ang may kakayahang bumangon mula sa pagkakasadlak sa kasawiang iyon, kung hindi ay ang mismong indibidwal na naghihirap. Oo maraming naghihirap dahil sa katiwaliang nangyayari sa ating sariling pamahalaan, ngunit hindi ito nagbibigay sa atin ng karapatan na magdamag na mag reklamo sa lahat ng mga katiwaliang ito. Habambuhay na lamang ba tayong aasa sa pag unlad ng ating ekonomiya? Oo, nagsisimula na ang pagbabago, ngunit nararapat din na sa atin mismo magmula ang pagbabago, hindi tayo matatawag na isang produktibong mamamayan kung palagi na lamang tayong aasa sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan sa atin? Hindi! Hindi tayo dapat ma kuntento sa ganitong sistema. Bumangon ka kapatid, at magsimula ka.

//Sophia Monique Manla

KAHIRAPAN

     
                                                           " KAHIRAPAN"

                      Bilang mag aaral napili ko ang kahirapan dahil madalas itong nangyayari sa ating buhay mg tao napili ko ang kahirapan dahil kabilang ako sa sitwasyong ito.

                       Ang kahirapan ay isa sa mga suliranin sa ating bansa, sa kadahilanang kulang ang mapagtratrabahuan ng mga tao, may mga taong tamad at may mga tao ding nartratrabaho sa pamahalaan na nagnanakaw ng pera ng bayan. Kaya naisioan kung itanomg sa akong sarili paano ba malulutasan ang suliraning ito kung pati ang pamahalaan ay siyang naglulugmok sa atin patungo sa kahirapan.

                      Sa nakikita ko ngayon sa ating lipunan ay may mga taong nangingibang bansa dahil sa lubos na kahirapan. Marami na rin  akong nabalitaan na mat mga OFW na sinasaktan ng kanilang amo at iba pa sa kanila ay pinapatay nakikipagsapalaran sila sa inamg bansa sa pagbabakasakaling  maihaon nila sa kahirapan ang kanilang pamilya, subalit mayroon ding sigalot sa kanilang buhay.


                       Sa ating pananaw ang pagtratrabaho sa ibang bansa ay napakahirap dahil kailangan nilang dumaan sa napakaraming pagubok sa kanilang buhay at lalo na sa kanilang pamilya. Minsan nga'y maitatanong ko sa akong sarili bakit pa sila nangingibang bansa kung mayroon namang matratrabahuan dito sa pilipinas? Bakit pa nila isasakripisyo ang kanilang buhay sa wala?

                      Mahirap isipin ang ganitong pangyayari pero, kailangan nilang mangibang bansa para sa kanilang pamilya. Hanggang ngayon ay mayroon pa rin aking nababalitaan na may inaabusong OFW  at may mga OFW na pinagsasamantalahan ng kanilang amo. Dapat ay may aksyon din na ginagawa ang pamahalaan upang sila ay matulungan.  Kung magpapatuloy pa ang mga ganitong gawain paano na ang pamilya nila?



                                              Ailyn Pinongpong
                                                11 Confucius

KAWALAN NG TRABAHO

            Sa ating bansa isa sa pinaka malaking suliranin ay ang kawalan ng trabaho na sanhi ng mahinang pag unlad ng ating bansa. Sa dinami-dami ng mga estudyanteng nagtapos ng pag-aaral mga, 60% lamang sa kanila ang nakakapagtrabaho agad. Ang naiwang 40% na mga taong walang trabaho at naghihirap sa kanilang buhay. Sa pagkakawala ng trabaho, unti unting humihina ang ekonomiya ng bansa. Bakit nga ba nangyayari ang sularinanin na ito?

          Isa sa mga sanhi ng kawalan ng trabaho ay ang pagtaas ng demand o standard ng companya o trabahong kinukuha.Dahil dito,nalilimit ang tsansa ng mga taong naghahanap ng trabaho na makapasok. Sanhi din ang maling pagkuha ng kurso sa kolehiyo dahil hindi gusto,napilitan ng magulang at para may degree lang na maipakita. Ang maling pagkuha ng kursong hindi sangay sa kagustuhan at kakahayan ay nagreresulta nito : Nalalagay ang empleyado sa maling trabaho at hindi na tataas ang performance na dapat ipakita ng companya nito. Ang huling sanhi ay ang paggraduate sa hindi “high end” na unibersidad. Nakikita ng employer na kapag ang isang employee ay nakapag tapos sa isang prestirhiyosong unibersidad katulad ng Ateneo, Far Eastern University, De La Salle at iba pa kahit hindi naman gaanong kagalingan ay agad nitong kukunin sa trabaho at hindi na mabibigyan ng pagkakataon ang ibang employeeng nakapagtapos lamang sa mga local na unibersidad at may kagalingan. Ang pagstetereotype ay nagapabawas at nagpapatagal ng pag unlad ng ating bansa.


           Hindi parin mapipigilan ang kawalan ng  trabaho sa bansa. Sa kabila nito, ang ibang problema rin ay umaahon at nagiging hadlang na in sa bansa. Ngunit sa lahat ng mga nangyari, hindi parin natin mapipigilan ang mga Pilipino sa pagkamit ng masaganang buhay. Hindi man ngayon, mararating din natin ang panahon na magiging masagana at matiwasay ang buhay ng mga Pilipino at uusbong ang Pilipinas sa kahirapan.


Karen Joy B. Robines- Gr. 11 Confucius



Wednesday, 5 October 2016

Kawalan ng trabaho

     Maraming dahilan kung bakit maraming tao naghihirap. Isa sa mga dahilan ay ang pagkawalan ng trabaho. Makikita natin sa ating mga komunidad na pa minsan minsan ay may dumadaan na mga tao na humihingi ng pera, minsan din ay may mga tao na magiging magnanakaw para lang may magawa sa kanilang buhay. Ito ang kadalasang mangyayari kapag mawalan ng trabaho ang isang tao, magiging pulubi o magnanakaw, ngunit meron ding iba kapag mawalan ng trabaho ay mag-isip sila ng paraan para makagawa sila ng kanilang sariling hanapbuhay. Ito sana ang pipiliin ng mga tao na gagawin kapag wala silang mahanap na trabaho.

     Ngunit alam na ng lahat na marami ang walang trabaho, hindi makikita na ang pamahalaan ay may ginagawa tungkol sa ganitong isyu. Ang pagkawalan ng trabaho ay isa din sa mga pangunahing isyu dito sa bansa. Nagdudulot ito nga kahirapan at na pupunta ang mga tao sa masamang gawa para lang may hanapbuhay. Ang pagiging korup din ng ibang pamahalaan ay hindi nakakatulong sa sitwasyon ng mga tao, dahil may posibilidad din na dahil sa korupsyon kung bakit sila nawalan ng trabaho. Ngunit nasa tao lamang ang desisyon na ito, kung kayanin nila na maggawa ng kanilang sariling hanapbuhay o pupunta sila sa pagnakaw o pagbenta ng mga illegal na droga. Nasa tao lamang kung bibigay siya ng determinasyon para makahanap ng bagong trabaho o maging tamad at magbenta na lang ng mga bawal na gamot.

//Baloyo, Bea Faye

Kawalan ng Trabaho

Ang kawalan ng trabaho ay isa sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa ngayon. Maraming mga Pilipino ang nahihirapan na sa ganitong problema ng ating lipunan, dahil sa problemang ito marami ng mga pamilyang Pilipino ang nakararanas ng kahirapan. Naging mahirap ang pamilyang Pilipino dahil sa kawalan ng trabaho. Ano ba talaga ang punot dulo ng mga suliraniign ito? Kailangan ba nating sisishin ang ating gobyerno dahil dito? O sadyang likas na sa ating mga Pilipino ang kawalan trabaho?

Ang mga tanong na ito ang nasa isipan ng ating kababayan, kailan ba ito matutugunan? Para sa akin, matutuguna lamang ito kung parehong gumagawa ng paraan o solusyon ang ating gobyerno, mga pribadong sektor at ang ating mga kabababayan. Nakakatulong ang ating gobyerno para matugunan ang problema ng bawat pamilyang pilipino ito ay sa paraan ng pagtulong ng DOLE, POEA, PESO  at iba pa. Tinitulungan ng nga organisasyong ito ang ating pamilayan pilipino sa paraan  na makahanap sila ng magandang trabaho. Naglulunsad sila ng mga "Job Offer" sa mga pamayanang maraming antas ng mga Pilipinong walang trabaho. Tulad nang trabaho sa mga opisina ng ating gobyerno tulad ng pagiging sekretarya at iba pa.
 
Sa mga pribadong sektor naman, naglulunsad sila ng mag 'Job Offer" sa pamamagitan ng pakikipagpartnership nila sa mga organisasyong pang gobyerno. Tulad ng Call Center Agencies, mga trabaho sa mga pribadong organisasyon. Kahit alam ng ating mga kababayan na hindi kalakihan ang sweldo sa mga ito, patuloy pa rin sila sa pagtatrabaho para magkaroon lamang ng pangtustus sa kanilang pamilya . Alam ng ating gobyerno na malaking sagabal sa pagtatrabaho ng ilan mamayanang Pilipino ang Endo o Contratualization. Ang Endo o Contractualization ay nagiging dahila ng pagkakatanggal ng karamihang Pilipino sa trabaho, dahil tumatagal lamang ito mula sa tatlo hanggang anim na buwan. Kaya dahil dito, marami ang nawawalan ng trabaho at nagiging dahilan ng kahirapan ng pamilyang Pilipino.

May mga aksyon na bang nagawa ang ating gobyerno? Kung meron na dapat na nilang simulan sa pinakamaliit na yunit ng Pilipinas, Ang Pamilyang Pilipino. Alam nila marami ng naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho at dahil dito marami na ring mga Pilipino ang lumuluwas ng bansa para lang magkaroon ng pera na pangtustus sa pamilaya kaya dahil dito, lumalayo na ang loob ng mga naiiwan nang mga taong ito ang mga mahal nila sa buhay.

Almera Lendy P. Ramirez  11-Confucius

Ang Kahirapan

Maraming tao ang naghihirap sa ating panahon ngayon. Ang kahirapan ang isa sa mga pinakamalaking problema ng ating bansa. Madalas nating sinisisi ang maling pamamalakad ng ating pangulo, pero dapat ba natin siyang sisihin sa kanyang pamamalakad? Marami nga ang nagsasabi naAng katamaran ay katumbas ng kahirapan at marami rin ang nagsasabi na ang mga Pinoy ay tamad kaya marami ang naghihirap.

Hindi lahat ng tao nakakahanap ng trabaho at nakakapagtapos ng pag-aaral. May mga tao dito sa Piliinas ang hindi kumakain ng tatlong (3) beses sa isang araw at kahit ang mga bata ay nadadamay na din sa kahirapan ng kanilang pamilya dahil hindi na sila pumapasok sa paaralan para makatulong sa kanilang pamilya at para makahanap ng pagkain at pera para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay at pangangailangan. At ang pinakamasaklap sa lahat ay kahit mga bata ay tinuturuan at natututo na ring magnakaw at natuto na ring magrebelde sa murang edad nang dahil sa kahirapan. May mga tao na rin ang nagbibenta ng mga parte ng kanilang katawan para magkapera at may pangtustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Dahil din sa kahirapan, marami ang gumagamit ng droga o mga pinagbabawal na gamot at dahil dun, marami nang nangyayaring mga extra judicial killings ditto sa Pilipinas. May mga pinoy na rin ang nangingibang bansa para magkatrabaho at kadalasan sa kanila ay dun na manirahan upang makaipon at para maiwasan ang kahirapan dito sa Pilipinas. Maiiwasan natin ang kahirapan kung tayo ay magkaisa at magtutulungan upang ang lahat ng mga taong hindi nakapa-aral o hindi nakapagtapos ng pag-aaral ay makapag-aral ng maayos at makapag-aral ng walang bayad. At ang lahat ng mga taong walang trabaho ay tutulungan nating makahanap ng trabaho kahit hindi kalakihan ang sahod na kanilang matatanggap, basta makasya nila sa kanilang  pang-araw-araw na pangangailan at makakain ng tatlong (3) beses sa isang araw. 


-Kharylle Vanne Abregana

KAHIRAPAN SA ATING BANSA

Bakit nga ba laganap ang kahirapan sa ating bansa? Bakit marami ang dumaranas ng kahirapan? Kailan mo ba masasabi na uulanlad ang ating bansang Pilipinas ? Uunlad pa ba tayo ?Marami tayong pangangailangan na hindi nasusulusyonan isa na doon ang kahirapan.
Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayong sa malaking problema, ang kahirapan. Sinasabi nang iba na mayaman tayo sa likas na yaman, oo mayaman pero iba ang nakikinabang. Sa kadahilanang hindi tayo marunong kumontrol sa ating yaman. Sa lakas ng paggawa ay lamang tayo sa ibang bansa dahil ang mga Pilipino ay likas na masisipag at matatyaga.

At isa sa mga dahilan ng ating kahirapan ay ang korap na opisyal na gobyerno na ninanakaw nila ang kaban o pondo ng mga mga tao. Ang lahat ng pinaghirapan ng mga nagtatrabaho para sa ikakaunlad ng ating bansa ay napupunta sa bulsa ng mga opisyal ng gobyerno kung kaya sila rin ay isa sa dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino.

Isa pang dahilan ay ang katamaran at pag-uugali ng mga Pilipino. Masakit isipin pero totoo na ang iba ay nakahilata lamang maghapon sa bahay nila at hindi gumagawa ng paraan upang matulungan o mabawasan man lang ang kahirapang kanilang hinaharap. Walang tyagang humananp ng trabaho o paraan upang maiahon ang kahirapan na kanilang tinatamasa at nakukuntento na lamang sa salat nilang pamumuhay.
Kailan ba tayo magsisimulang aahon? Kalian pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay? Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa, baka sa susunod huli na.
-Baby Joy Sasi

Kahirapan

Marami na ang mga taong naghihirap ngayon at ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat na problema ng ating bansa. Bakit tayo naghihirap? Madalas sinisisi natin ang maling pagpapalakad ng gobyerno, sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?  Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino at para sa akin mayroon din namang kasalanang ang mga namamahala sa ating bansa dahil sa  kanilang  maling gawain, katulad na lamang ng pagbubulsa sa kaban ng bayan at ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga politiko para sa sarili nilang interes. Para sa akin sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Isa din sa dahilan kung bakit tayo naghihirap ay dahil sa kawalan ng trabaho at walang maayos na trabaho dahil sa hindi man lang nakapagtapos nag pag aaral dahil ka katamaran o kapus sa pera.
"Katamaran ay katumbas ng kahirapan”.
Ang iba sa halip na maghanap ng kapakipakinabang na trabaho ay nagbabakasakali sa sugal at habang natatalo ay lalong nagpipilit na makabawi hanggang sa malulong sa sugal at magkabaon-baon sa utang na lalong nagpapalugmok sa kahirapan.
Isa din sa mga dahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino.

Bakit nga ba marami sa atin ang tamad, batugan at ayaw mag sikap pero nangangarap ng masarap na buhay?

Paano nga naman sasarap ang buhay kung nakatunganga lang sa bahay.

Pangunahing sanhi ng kahirapan sa Pilipinas ay ang sapilitang pangingibang bayan ng mga pilipino upang maghanap ng ikabubuhay ay naging parte na ng kultura. Ang karamihan dito ay ang mga kababaihan ito ay dala ng labis na kahirapan ito ang naging tugon ng mga Pilipino upang makaraos sa araw araw na pamumuhay. Isa din sa sanhi ng kahirapan ay ang pagnanakaw o pagkasangkot sa droga at kriminalidad sa bansa  na lumalaganap na sa ating bansa ngayon. At ang pinakamatinding dahilan ng kahirapan sa pilipinas ay ang "corruption" ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno ito ang pinakamalupit na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng  iilan na may mga kapangyarihan sa pamahalaan.

Ngayong bago na ang ating pangulo  sana matikman na natin ang pagbabago na ipinangako niya sa bawat Pilipino.


-Rosemarie M. Andrino-



KAHIRAPAN SA BANSANG PILIPINAS



Sa gitna ng krisis di maikakaila na ang kahirapan ang pinakamatinding suliranin. Lahat ng tao ay nararanasan ito, partikular na ang mga kabataang Pilipino. Itinuturing ang mga ito na pinakamahalagang kayamanan ng bansa. Ngunit, ang mga kabataan ngayon ay di lamang sa pag-aaral napupunta ang atensyon, may iba na kailangan pang maghanap ng trabaho at ikabubuhay matustusan lamang ang kanilang pangangailangan at pag-aaral. Napakalaking bagay kasi basta nakatapos ng pag-aaral at mayroong titulo . Edukasyon ang kauna-unahang solusyon sa kahirapang tinatamasa at nararanasan . Sa panahon ngayon, napakaraming estudyanteng napapatigil at di natatapos sa pag-aaral sa kadahilanang kulang at kapos sa pinansyal na suporta. Mayroong ilan na mapalad na nakukuhang iskolar, ngunit di lahat ay maaaring maging iskolar sapagkat pili lamang.

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng bansang Pilipinas. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, "Nanunumpa pa sila na tutulungan nila ang taong bayan na makaahon sa kahirapan pero hindi pala.  Kinain lamang nila ang kanilang sinabi. Ako'y galit sa kanilang ginagawa at tinatanong ko nalamang ang aking sarili kung pano at sino ba ang makatutulong sa taong bayan upang matuligsa ang mga taong ito. Sana'y dumating na ang araw na magkakaroon na ng kaayusan dito sa ating bansa". pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan.
Marami ring nangingibang bansa upang matustusan lamang ang pamilya. Dahilan sa ang paglisan sa sariling bayan at mawalay sa pamilya ay hindi madali para sa isang kulturang kinalakihan. At isa sa matinding dahilan ng kahirapan sa bansa ay ang korapsyon, ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan at ito ay maituturing na kanser sa lipunan.
Ngayon sa bagong administrasyon, Maraming naghahangad ng pagbabago, naghahangad na unti-unting uunlad ang ating ekonomiya at mawala ang isyu ng kahirapan. Ngunit ang tanong ko lang, aasa lang ba tayo sa pamahalaan? hahayaan nalang ba nating sila ang humanap ng paraan? dapat rin nating isipin na tayo ang may hawak sa ating buhay, kaya't na'sa atin ang unang hakbang. Di lang dapat tayo puro asa sa namumuno dahil kung tutuusin tayo dapat ang gumawa ng pagbabago at hindi ang pamahalaan.



Carlo M. Gemar 11-Confucius
10/05/16

Kawalan ng Trabaho

"Paano na ako ngayon?"
"Paano na ang pamilya ko?"
"Saan na ako kukuha ng pera para sa aking pamilya?"

Ilan lamang iyan sa mga salitang naririnig natin sa mga taong nadidihado o nawawalan ng trabaho. Ang paghahanap ng trabaho ay hindi biro, ang ilan nga sa atin ay naghahanap pa ng ilang alternatibong paraan upang magkaroon ng hanapbuhay.
Dahil sa kawalan ng trabaho, ang ilan sa ating mga kapwa Pilipino ay napipilitang lumuwas at mangibang bansa upang mag hanapbuhay. Ang ilan nga ay kapit pa sa patalim upang may maipakain sa kanilang pamilya.
Ayon sa DOLE o Department Of Labor and Employment, ilang porsyento lang ng mga Pilipino ang may magandang trabaho dito sa Pinas at 25.4 % o katumbas ng mahigit 11 milyong Pilipino mula edad Labing walo (18) ang kasalukuyang walang trabaho.

Ilan sa magiging epekto ng kawalan ng trabaho ay una, ang Kahirapan. nang dahil sa kawalan ng trabaho, nagreresulta ito ng kahirapan dahil wala na tayong mapagkukunan (source of income) ng ating mga Biolohikal na pangangailangan kagaya nalang ng bahay, pagkain at iba pa.

Pangalawa, nagreresulta din ito ng pagkagutom o malnutrisyon lalong-lalo na sa mga bata. Ang ilan sa ating mga kabataan ay naaapektuhan dahil sa kawalan ng trabaho ng mga magulang. Dahil dito, nagreresulta ito ng pagkagutom o malnutrisyon sapagkat hindi na masyadong nabibigyan o natutugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Isa pa dito, ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil sa takot na mawalan ng trabaho, ang ilan sa ating mga politiko ay mas pinipiling gumawa ng kamalian at pagtakpan ang mga kasalanan. Talamak na ang gusot sa pamahalaan, kabilang na dito ang pagka sangkot nila sa ilang isyu sa lipunan. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil imbis na sa kahon ng bayan, napupunta sa bulsa ng iba nag pera ng mamamayan.

Maaari nating matugunan ang kawalan ng trabaho. Sa pamamagitan ng paghahanap ng Alternatibong paraan, kagaya nalang ng pagnenegosyo, at iba pang paraan ng paghahanap buhay.

Hindi ko naman sinasabing magpaka bayani tayo, ang akin lang ay magkaisa tayo para sa ikabubuti ng ating bayan.

Kaya bilang mga Pilipino, Magimg marangal para sa kapwa at para sa bayan.

                                                                                                        - Anacel V. Patrolla

Tuesday, 4 October 2016

kahirapan

                                                           KAHIRAPAN


                Sa salitang kahirapan ay naiisip natin na ito ang kadalasang nararanasan ng ating bansa dahil sa korupsyon at walang maayos na trabaho na kung saan maraming mga mamamayang pilipino ang naapektuhan sa gutom at kahirapan, at dahil ang ating bansa ay nakakaranas ng ganitong problema maramami ang namamatay araw-araw, at dahil din sa kahirapan ang karamihan sa atin o sa mga pilipino ay gumagawa nalang ng mga hindi kanais nais na gawain katulad na lng ng pagnanakaw, pagpatay, paghoholdap,at iba pa. Upang masugpo ito nagkaisa ang bawat pilipino na ipanalo si Rodrigo Duterte bilang pangulo ng bansa.

            Ang kahirapan ang madalas at nakikita ng mga taga ibang bansa sa bansang Pilipinas dahil ang ating bansa ay siyang nakakaranas ng gutom at sakit dahil sa walang maayos at magandang pamumuhay kasi ang bawat pilipino ay lumuluwas nalang sa ibang bansa upang may maipatustos sa pangaraw-araw ang kanilang pamilya.

            Ano nga ba ang kahirapan? kahirapan ito ang nararanasan ng bawat pilipino ngayon. Dahil sa korapsyon sa pamahalaan. Kung ibibigay lang sa bawat pilipino ang tamang sahod o tamang bayad, hindi sana tayo makakaranas ng kahirapan. Kung tinatanggap lang ang mga taong naghahanap ng trabaho siguro uunlad tayo. Ngunit pinipili lang ang makakapasok sa mga kompanya gaya ng magaganda hindi nila tinitingnan kung may utak. Sana patas ang gobyerno sa pagtanggap ng mga trabahador upang mayroon na ng trabaho ang lahat ng pilipno.


                                                                         Grace S. Liwat


KAHIRAPAN




                          Sa panahon ngayon maraming mga mtaong nakakaranas ng kahirapan halos lahat tayo napagdaanan na natin ito. ,Nang dahil sa kahirapan nagreresulta ito ng kakulangan sa pera para lamang pangtustus sa ating mga pangangailangan sa ating pangaraw-araw na gawain sa buhay .Ang iba namay sa kawalan ng trabaho  nang dahil nadin sa hindi nakapagtapos ng pag-aaral.

                     Kaya sa ating panahon ay maraming mga batang hindi nakapag-aral dahil sa walang maipang-gagastos ang kanilang mga magulang.Sa kahirapan pera ang kauna- unahang pangangailangan ng tao  sa buhay.Kaya naman sana ang gobyerno matulungan ang mga pilipino na makahanap ng trabaho para may pang-tustus sila sa kanilang mga anak.Kaya din naman na mas lalo tayong naghihirap dahil sa nagtatamad tamadan tayo sa buhay , kaya hindi tayo umaasenso sa buhay.

                     Ako din naman nakaranas ng hirap lalo na ngayon, ang ama ko tricycle driver lamang pero sa pagkakayod niya eh nakakakain kami araw-araw, ang ina ko naman ay sumasideline ng mga trabaho para lamang makabili kami ng gamit para sa eskwelahan.Kaya nagpapasalamat din ako dahil nakakapag-aral pa kami ng kapatid ko, Na kahit maliit lamang ang kinikita ng aking magulang eh nakakakain parin kami ng maayos.
  
                    Kaya ako bilang estudyante ay magsisikap ako ng maayos para naman makaranas ako at ang pamilya ko ng kaginhawaan sa buhay, at kapalit na din ito ng pagtataguyod ng aking magulang sa aming magkapatid.sa paraang ito ay makakabawi ako sa kanilang pag-aalaga sa aming magkapatid.Kaya tayong mga pilipino ay matuto tayong buamagon sa buhay ,para naman umasenso din tayo, Hindi dapat parati lang ganito ang ating estado sa buhay. pwede din tayong makaranas ng kaginhawaan sa buhay kung magsususmikap din tayo.


MARTY DOMINIQUE R. CABASAG 11-CONFUCIUS 

Ang Pagluwas sa ibang bansa upang makatrabaho ng mga magulang

Karamihan sa mga mamayan ng pilipinas ay lumuluwas ng ibang bansa upang maka hanap ng trabaho.
Kabilang na dito ang mga magulang na ang nais lamang nila ay mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga anak. Ngunit dapat din natin silang maintindihan dahil para rin naman ito sa pamilya ang ginagawa nila. Oo, maraming n na mga anak na nahihirapan dahil nawalay sila sa kanilang mga magulang . Ang pag sasakripisyo ng isang magulang ay pagmamahal sa pamilya.


Ang pagiging OFW sa ibang bansa ay hindi rin madali para sa kanila dahil narin sa mga amo na hindi maganda ang pag trato sa kanila. Ang pagka roon ng magulang na mapagmahal ay napabusilak na puso dahil mas pinili nila malayo sa mga mahal nila upang mabigyan at matustusan ang pangangailangan ng bawat isa.
  • Sa pag kakaalam ng mga pamilya nila ay napakaganda ng buhay ng isang OFW ngunit kasalungat pala nito ang katotohanan.


  • Katotohan na nawalay sila sa pamilya nila, katotohanan na mag isa sila, walang kasangga,walang karamay sa kalungkotan at iba pa.
    Kapag nagkasakit sila walang nag aalaga. Imbis magpahinga mas pinipili nila magtrabaho upang Hindi makaltasan ang kanilang sweldo.
    Tuwing Pasko,New Year,Birthday ng mga anak, at iba pang espisyal na araw ay silay nalulungkot dahil hindi nila maipadama ang kanilang nais na madama ng pamilya sapagkat malayo sila. Buong buhay nila ay inilaan sa paghahanap buhay para sa pamilya.

Kaya tayong mga anak ng mga OFW dapat nating maintindihan na ang ating magulang ay nag sasakripisyo para sa atin dahil mahal nila tayo.Huwag mong isipin na madali ang kanilang ginagawa dahil di natin kaya ang pag sasakripisyo ng magulang gaya ng kanilang ginagawa.

Bilang anak gawin ang dapat gawin at mag aral ng mabuti dahil sa pag aaral ng mabuti ay ikakatuwa nila.
Dahil para sa kanila naiibsan ang kanilang pagod kapag nakita nila na tayo na maayos.
huwag mag padala sa mga di kaaya aya na tao .

Dapat 'Tandaan na ang pag aaral ay daan patungo sa iyong kinabukasan."



Jingky C. Embradura 11 Confucius



KAHIRAPAN

                         Ang kahirapan ang unang rason kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa,ito rin ang unang problema na hinaharap ng ating gobyerno at hinaharap ng ating mamamayang mahihirap,at ang kahirapan ay maaaring magdulot ng di kanaisnais na gawain gaya na lamang ng pagnanakaw at mga krimen,dahil sa kahirapan na uudyok ang mga ito na gumawa ng krimen o kayay pagnanakaw wala silang ibang paraan na gawin dahil hindi na man sila nakapagtapos ng pag aaral dahil wala silang pera pangpa-aral nila kaya nagagawa nila ang ganitong klaseng mga gawain.
                         Ako nga po pala si Mavel Cyne D. Fabriga nag aaral ako sa TagumCityNationalHighSchool baitang labing isa (11)seksyon Confucius,bilang isang mamamayan sa mundong aking ginagalawan ako rin po ay nakaranas o niraranas ang kahirapan,simula ng akoy isinilang hanggang sa akoy nag labing lima(15)na taong gulang akoy nakatira sa Zamboangga City palipat lipat ang tirahan ,walang tiyak o permanentng tirahan,at sa aming paglipatlipat na saksihan ko  ang mga taong mahirap iba ibang uri ng kahirapan ,kung minsan walang makain,walang pambili,at marami pang mahihirap na karanasan, natutu akong tumayo sa aking sariling mga paa sumasama ako sa aking ama na maghanapbuhay halos lahat ng trabaho ay naranasan ko na gaya ng pag cacarwash, pag seserve sa isang kainan ,pag lalaba ,matutulog ng dis oras sa gabi para lang matulongan ang aking ama.dahil nga sa kami ay mahirap at sa murang edad ko na yon lahat naranasan .hanggang sa kami ay lumipat rito sa Tagum City,medyo gumaan ang aming buhay ngunit kailangan ko parin lumayo sa aking pamilya para mag aral,pinag aral ako ng aking lola,tatlong taon kong nakasama ang aking lola hanggang siya ay mawala at lumipat na man ako ng tirahan kasama ko naman ang kapatid ng aking namayapang lola.doon sakanya nag tapos ako ng grade 10 ,nag tapos ako ng hindi kasama ang mama ko ,feb.14 2016 ng nasa regional hospital ang mama ko kinaumagan 5:00 namatay ang ina ko dahil sa wala kaming pera na panggamot sa kanya na may sakit na pala sa puso ngunit di nya masabi,at na stroke ang papa ko makalipas ng ilang lingo hindi na siya nag pa admit dahil ini isip niya ang gastos,kaya umuwi ako para bantayan siya ,sa awa ng panginoon medyo gumaling na ang aking ama,at ako naman kailangan kong mag working student nag tatrabaho ako ngayon sa aking ante,nag sisikap akong makatapos para makaraos pag dating ng panahon tutulungan ko lahat ng mahihirap sa awa ng diyos.
                    Malaki ang epekto ng kahirapan kaya ,nagsisikap kmi ,kaya kayong mayayaman o kayay may kaya wag niyong husgahan ang inyong kapwa dahil hindi po natin alam ang kanilang kweto o pinagdaana  sa buhay,mahirap man o mayaman pantay pantay tayong lahat.,hanggang dito na lamang maraming salamat sa pagbabasa.



by: Mavel Cyne Fabriga
        Confucius

Mga Kadahilanan ng Kahirapan

        Mahigit kalahati ng populasyon ng bansa ay dumaranas ng kahirapan, kagutuman, at kawalan ng pagkakataon para mabuhay ng disente. Tumaas na naman ang bilang ng mga walang trabaho at mga mahihirap sa ating bansa. Ang kahirapan ay nagaganap dahil sa kakulangan sa edukasyon, kawalan ng trabaho, paglobo ng populasyon, kawalan ng suporta ng gobyerno at korupsyon.

      Ang edukasyon ay isang malaking salik sa kahirapan. Ang isang taong hindi nakapag-aral o nakapagtapos ng kanyang pag-aaral ay mahihirapang makahanap ng magandang trabaho na mayroong magandang kita. Ang taong hindi edukado ay mahihirapang humanap ng trabaho at dahil dito sila ay lalong maghihirap. Ang magiging anak nito ay mahihirapang mag-aral dahil sila ay walang sapat na pera. Sa paglobo ng populasyon, ang ating gobyerno ay nahihirapang suportahan ang lahat ng mamamayan. Masasabing ito ay isang problema ng maraming bansa. At isa sa mga bansa na nararanasan ang problemang ito ay ang bansa natin Pilipinas. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may pinakamabilis na pagdami ng populasyon. Ang pagkakaroon ng napakalaking populasyon ay nagbubunga ng napakaraming problema. At sa bawat segundo na lumilipas ang ating populasyon ay parami ng parami. Ano pa kaya pagkalipas ng ilang taon? hindi nalalayo sa katotohanan na madoble pa ang bilang natin ngayon.Mayroon ring mga pagkakataon na ang gobyerno rin ang may kasalanan. Batay sa ating kaalaman na mayroon tayong mga opisyal sa gobyerno na patuloy na gumagawa ng korupsyon. Ang pondo na dapat ay mapupunta sa ating mamamayan ay napupunta sa mga bulsa ng ating mga opisyal. Sa dahilan na ito, ang mga taong mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang ang mga mahihirap ay lalong nalulubog sa kahirapan.Kung tayo ay nagkaroon ng pakialam sa ating kapaligiran maaaring hindi ganito kalala ang kahirapan sa ating bansa ngayon. Wala tayong dapat sisihin kundi ang ating mga sarili sa matinding suliraning ito.

         Ang solusyon sa mga suliraning ito ay ang pagpapaunlad ng ating bansa sa pamamagitan ng tamang pamamalakad ng gobyerno at pagkawala ng korupsyon sa ating bansa. Huwag tayong mawalan ng pag-asa na umunlad dahil kung magkakaisa at iintindihin natin ang isa't-isa, hindi lang tayo makabangon sa kahirpan, magiging isa rin tayo sa pinakamayamang bansa sa buong mundo.



Ni: Jade Y. Camare

KATIWALIAN SA PAMAHALAAN

Personal Blog

  Sa paksang ito masasabi ko na ito ang isang problema na pinag-uusapan ng lahat. Hindi lamang dito sa Pilipinas kundi pati narin sa ibang bansa. Masasabi ko sa usaping ito ay hindi maganda at mali lalo na't ang gumagawa nito ay ang may posisyon. Ito'y hindi magandang emahe sa bansa.  Dahil sa mga katiwaliang nangyayari sa ating bansa hindi ko na alam kung sino ang nagsasabi ng totoo at hindi. Maraming isyu napapanood ko sa  telebisyon at masasabi ko,  hindi na akma at lumalala na ang mga nangyayari. Nakakainis na at pagod na akong makinig at manood sapagkat ang gumagawa nito ay yun pa ang may posisyon at pinagkakatiwalaan ng sambayanan,  na ang akala nila yung pinili nilang mga leader ang mag-aahon at gagawa ng solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.  At yun pala, ang mga leader na kanilang pinili ay ang maglulubog sa kanila sa kahirapan.  Ang mga leader na gumagawa ng Corruption/ Katiwalian sa Pamahalaan ay walang puso, walang konsensya ang namamayani sa kanilang mga puso.  Papano nila nagagawa ang ganitong karahasan. Hindi ba nila alam na sa kanilang ginagawa ay kawawa ang mga tao? Hindi napupunta ang pera sa tamang lugar kasi nga binubulsa nila ito ng palihim at sarili lang nila ang kanilang iniisip.  Hindi nila iniisip kung ano ang mangyayari sa bansa at sa mga taong kanilang pinaglilingkuran.

 Nanunumpa pa sila na tutulungan nila ang taong bayan na makaahon sa kahirapan pero hindi pala.  Kinain lamang nila ang kanilang sinabi. Ako'y galit sa kanilang ginagawa at tinatanong ko nalamang ang aking sarili kung pano at sino ba ang makatutulong sa taong bayan upang matuligsa ang mga taong ito. Sana'y dumating na ang araw na magkakaroon na ng kaayusan dito sa ating bansa.

 Sana ay mangyari ito.  Hihintayin ko ang araw na magkakaroon na ng pagbabago dito sa ating bansa. Sa pamamagitan ng isang tao na may malasakit at may pagmamahal sa bayan upang makamtan at mawala na ang kahirapan at iba pang problema na kinakaharap ng mga taong bayan dito sa bansang ating Sinilangan.


 Catherine Mari M. Alibadbad 11- Confucius

KAHIRAPAN

Bilang mag-aaral ang kahirapan ay isa sa mga suliranin sa ating bansa '',Ano nga ba ang kahirapan at saan ito nagsimula?,Bakit tayong mga pilipino ay nagtitiis sa ganitong sitwasyon?,Bakit kailangan nating mga pilipino na makaranas ng kahirapan sa mahabang panahon ?'' sa kasalukuyan ay marami pa ring mga katanungan ang nasa isipan ko.

Sa araw-araw na pamumuhay ko ay marami na akong nariring o nakikitang mga iba't ibang dahilan sa paghihirap ng mga mamamayan ay ang pagiging makasarili sa kanilang kapwa at ang unang matatamaan nito ay ang nasa itaas na namumuno sa bansang pilipinas ''POLITIKO" at sa tingin ko ito ang isa sa mga dahilan ng kahirapan, dahil dito nabuo ang ''KORUPSYON'' pero kahit alam man nating mga mamamayan o hindi kung sino  ang mga mukhang pera at sinong mga malalaking kamay ang umako ng pera ng bayan o bansa ay wala pa rin tayong laban dahil sila ay mayaman at kaya nilang bilhin ang hustisya kaya ang mga mahihirap ay nanatili sa pagiging tahimik o walang imik  at lalong naghihirap at ang mga mayayaman ay lalo pang nagpapayaman sa pera ng mga mamamayan .

Bawat taon ay tumataas ang antas ng populasyon ng mga dukha at nagtitis sa gutom at naghihintay sa paglipas ng bawat oras, araw, at panahon . at hindi natin maikakaila na normal sa isang pilipino ang pagiging tamad pero hindi lahat iilan lamang  dahil bawat isa sa atin ay may ibat ibang dahilan ang iba ay may sinisisi, kawalan ng pag-asa, at hindi makuntento.

Bilang mag-aaral para sa akin ang isa pang dahilan ng kahirapan ay ang pagiging sakim sa kapwa dahil sa silaw sa pera kaya  nalimutan na nila na lumingon sa ibaba na kanilang pinag mulan  may kasabihan nga tayo na ''Ang Hindi Marunong Lumingon sa Pinanggalingan Ay Hindi Makakarating Sa Paroroonan''.

Kung ang kahirapan ay may dahilan ay mayroon ding sanhi kaya dahil sa paghihirap gumagawa tayo ng ibat ibang paraan  na labag sa batas ng Diyos,at batas ng tao at kahit sa ating kalooban kaya maraming mga isyung krimen ang nababalitaan ko araw-araw isa na dito ang pagnanakaw, panggagahasa, at pagpatay ng kapwa tao at ang isa pa dito ay ang sapilitang paggamit at pagbenta ng droga kaya masakit mang isipin ay nabibilang ang mga kabataan sa mga isyung ito.

Ang kahirapan kapag ito ay nagpapatuloy at hayaan nalang nating lumubog tayo dito ay may marami pang mga krimen ang mabubuo dahil ang solusyon sa kahirapan ay nasa ating mga kamay at isipan kung kayat naiisip nating wala na tayong pag-asa ay isa puso natin ang bawat desisyon at huwag kalimutang lumingon sa Diyos ang puong may kapal.

JESSA MAE D. COLENDRES 11 CONFUCIUS

"kahirapan"




           Bilang Pilipino,isa sa pinaka mataas na kaso ang ''Kahirapan''sa ating bansa.Isa sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng kahirapan ay ka kulangan ng edukasyon na siyang sanhi kaya may marami sa atin ang naghihirap,nagugutom at naghihirap.Marami sa atin ang madalas sumisisi sa maling pangangalakad ng ating pamahalaan o mga lider ng ating bansa,pero sila nga ba ang dahilan ng pagdami ng kaso ng kahirapan o ang pagiging tamad lang talagang maghanap ng trabaho?.Pero di rin natin sila masisi,dahil kung tutuosin mahirap naman talaga ang pamumuhay nila noon kaya hindi sila makakapag-aral ng tuluyan.Sa paglaganap ng kahirapan sa ating bansa ay posibleng mas tataas pa ang mga kaso ng krimen,gutom at iba pang kriminalidad sa ating bansa kaya marami ang mga pilipinong nagkakasakit dahil hindi makakabili ng gamot sa kanilang mga sakit.Ang kahirapan ay nagpapataas ng panganib ng kawalang matitirhan kaya't marami ang mga taong naniniraham sa skuater area,natutulog sa mga lansangan at palaboy-laboy sa lansangan.Maraming dahilan kung bakit naghihirap ang Pilipinas gaya ng over population.corruption,mababang pasahod sa mga empliyado,baon sa utang,walang disiplina,marami nag sakim at makasarli kaya dahil dito marami ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makatrabaho.Gayunman,karamihandin kasi ay walng ambisyon sa buhay,dahil kuntento na sila kung anong meron sila.Dapat kasi gumawa tayo ng paraan para mabuhay,hindi yung lagi nalang natin sinisisi sa iba.Pero nga,nandiyan din yung mga taong korupt na naka-upo sa pamahalaan na siyang nag-aabuso sa kanilang kapangyarihan,nagnanakaw sa kaban ng bayan.Hindi rin kasi natin maiwasang umasa minsan sa mga pangako nila,pero andun na tayo eh,may mga politikong garapalan  kung mangurakot.,meron din namang pasimple o patago kaya lalong naghihirap ang karamihan.Isa rin sa dahilan ng paglaganap ng kahirapan ay ang maling pagtuturo sa mga miyembro.Hindi ayon sa Bibliya ,dagdag bawas ang ang binabasa sa Bibliya,imbento at kuwento ang ipinapangaral,dinadaan sa maiinam na pagsasalita pero inililigaw na pala ang mga kasapi.Maraming dahilan kung bakit malala na ang kahirapan sa bansa na nagdudulot ng panganib sa buhay ng mamayan,naghahadlang sa pag-unlad sa bansa,naglalaho sa tiwala sa taong bayan sa pinuno  ng pamahalaan  at nagbubunga ng hindi maayos na takbo sa burukrasya;ngunit hindi natin kailangan magpaapekto sa mga bagay na yan,kasi meron tayong pangangailangan na dapat ias alang-alang.Sa tingin ko ay dapat natin ayusin ang mga problemang nagpapahirap sa ating bansa.Kung ano ang Pilipinas ngayon,yun ay dahil at dahil lang sa pilipino din mismo.Kaya huwag magturuan ng daliri sa kaliwa o kanan at maghanapan ng masisisi.Lahat tayo ay may kinalaman din sa problemang ito.Kaya dapat nating pagtuonan ng pansin ang problemang ito at huwag baliwalain,dahil tayo rin ang makikinabang sa resulta nito.


Vanessa Oray 11-CONFUCIUS





"KAHIRAPAN SA BANSA"




KAHIRAPAN




Kahirapan ang pinaka unang problema sa ating bansa. Bakit nga ba tayong mga pilipino ay naghihirap ng lubusan? Ano nga ba ang sulosyon nito? Madalas nating sinisisi sa gobyerno ang kahirapang ating nararanasan pero sila mga ba ang may kasalanan o tayong mga tamad na pilipino? 
 
Sinasabi ng karamihan na sila ay walang trabaho ngunit ang totoo ay maraming mapapasukang trabaho, pero hindi natin sila masisisi dahil kung iisipin mas gugustuhin pa nilang maupo na lamang at manglimos kaysa sa nagpakahirap sa trabaho pero singkwenta pesos (50) lang buong magdamag ang sweldo.
 
 
MGA SANHI NG KAHIRAPAN
 
 CORRUPTION: Ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno. Ito ang pinakamalupit at talamak na dahilan ng paghihirap ng bayan. Ang mga pera na para sana sa kapakanan ng taong bayan ay napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may kapangyarihan sa pamahalaan.

KAWALAN NG EDUKASYON- kung susuriin natin hindi lahat ng mga elementary student ay nakakapag-aral ng hayskul at hindi lahat ng hayskul ay nakakapag aral ng kolehiyo ,dahil sa mataas na matrikula nito ay hindi sila nakapagtapos. Dahil hindi sila nakapagtapos ng pag aaral at dahil na din sa kawalan ng edukasyon ay hindi sila nakakakuha ng magandang trabaho.

KAWALAN NG TRABAHO- Dahil sa kawalan ng trabaho ay maraming mga pilipino ang "kumakapit sa patalim" nakikita natin sa mga balita ang mga batang ginagamit na upang magbenta ng illegal na droga. At hindi lng yon mayron pang mga minor de edad na ibenebenta nila ang kanilang sarili upang may makain. Mga taong nagnanakaw sa parke, malls, pawnshop ay sanhi rin ng kawalan ng trabaho.
 
PAANO NGA BA MALULUTAS ANG KAHIRAPAN

Upang malutas ito, ang antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan ay kailangang maging komprehensibo at pang-matagalan. Hindi uubra rito ang mga pabugso-bugsong aksyon at mga panandaliang programa.

Kailangan na ang namamahala sa ating bansa ay mayroong katangian kung paano gumabay at mamuno para sa pagtaguyod ng pagkamalikhain ng mga pinoy lalo na sa larangan ng pangangalakal o pagnenegosyo.
 
Dapat na maging likas sa bawat Pilipino ang pagiging mahilig sa pagnenegosyo
Sa darating na halalan maging matalino sa pagpili ng mga iboboto. Alamin ang kanilang plataporma. Magsiyasat at kailangang alamin din ang mga datihang nangangako ng pagbabago at mga nagbigay ng plataporma sa nakaraang eleksyon na di naman natupad.Alamin din ang angking yaman kung sila ay nagpasarap lang sa pwesto.
 
 .Malaki ang partisipasyon ng pagbabago sa pamamagitan ng bawat Pilipino. Disiplina ang isa sa mga ito na dapat nating masimulan. Disiplina sa sarili, sa pagpapalaki ng mga anak, at pagmamahalan sa bawat isa. Nandito na pumapasok ang mga katagang binitiwan ni Rizal.
 
 
UNANG baguhin ang sarili! upang kahirapan ay masugpo! 
 
                                  
                                                                                            Asmin S. Acmad
                                                                                             11  Confucius
 
 
 
        
 



 
KAHIRAPAN

Ako si Prince Roe Pasco mag-aaral ng Tagum City National High School (Senior High).



Para sa akin ang Kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang mithiin ko sa buhay. Bilang mag-aaral , masasabi kong PERA ang pinakamahalagang sangkap upang matustusan ang aking mga pangangailangan sa pag-aaral. Ngunit , dahil salat kami sa buhay maraming beses kong naranasang isakripisyo ang mga bagay-bagay dipende sa prayoridad nito. Minsan nga nabanggit ko nalang sa aking ina na hihinto nalang ako dahil naaawa na ako sa aking mga magulang lalo na't aking nakikita na kahit gabi ginagawang araw sa pagsisikap matustusan lang ang aming pag-aaral. Ngunit ang aking ay hindi pumayag. Ang sabi niya , kahit kapus tayo sa pagtutulungan lahat ay ating malalagpasan. Matuto tayong magpasalamat kong ano lang ang meron. Ang importante buo tayong magpamilya sama-sama nating harapin ang anumang pagsubok na dumating o maari pang dumating. Sa mga sinabing iyon ng aking ina, natauhan ako at naalala na may panginoon nga pala akong dapat lapitan at pasalamatan. 

Ang panginoon ang nagbigay sa akin ng buhay at walang bagay na hindi niya kayang magawa dahil siya ang makapangyarihan sa lahat. Ang gagawin ko nalang ay ang pagtiwal sa kaniya at sa kaniyang pangako. Ang isa sa mga pangako ng panginoon na nagpa-alala sa aking ay makikita sa Jeremiah 3:33 " Tumawag kayo sa akin at sasagutin ko kayo at ipapakita ko sa inyo ang malalaki at makapangyarihang bagay". Ito ang pangako ng panginoon na aking pinaninindigan na sa kabila ng kahirapan hindi ito ang magiging hadlang na makamit ko ang aking pangarap sa buhay." KAPIT LANG SA PANGINOON AT MAGTIWALA"


 DAHILAN KONG BAKIT NAGHIHIRAP ANG MUNDO


Ang Pandaigdigang Kapisanan para sa Pagpapaunlad oWorld Development Organization, ay nagsasabi na ang mga patakaran ng mga pamahalaan at mga banyagang negosyo ang sanhi ng kahirapan. Sila kaya ay tama?
Ang mundo ay may kayamanan at mga kapamaraanan upang wakasan ang kahirapan. Datapuwat halos kalahati ng populasyon ng mundo ay nabubuhay lamang sa halos 1.40 dolyar ($1.40) kada araw. At higit sa labing-isang (11M) milyong mga bata ang mamamatay mula sa mga sakit na sanhi ng kahirapan ngayong taon lamang na ito (basahin ang polyeto na nalathala sa bagong isyu ng “The New Internationalist”). Ang partikular na polyetong ito na pinamagatang, “Hindi ba panahon na upang isakatuparan ang mga paraan upang malunasan ang mga dahilan ng kahirapan?” ay inilathala ng isang organisasyong tinaguriang “World Development Movement” at ito ay maaaring nagmula sa alinman sa mga ibat ibang samahang kawanggawa na nagsusulong sa larangang ito.
Maaaring ang kanilang sinasabi ay totoo – ang mundo ay talagang maraming kayamanan at kapamaraanan para wakasan ang kahirapan – at, oo, lagpas pa sa tamang panahon na isagawa ang paglupig sa mga ugat (o kaya ay ugat) ng kahirapan.
Kung gayon, ano ang sanhi ng pandaigdigang kahirapan? Malinaw, ito ang pangunahing katanungan dahil kung di mo makuha ang tamang kasagutan, di mo rin makakamtan ang tamang solusyon.

SUBMITTED BY: PRINCE ROE B. PASCO    XI-CONFUCIUS

KAHIRAPAN


Alam nating mga Pilipino na ang KAHIRAPAN ang pangunahing suliranin sa ating lipunan. Tanong ng karamihan kailan at paano natin masosolusyonan at makakamtan ang minimithing kaginhawaan.
Sa panahon ngayon masasabi nating kahit may pinag-aralan ka man mahirap ka pa rin makahanap ng marangal na trabaho. Bakit? Dahil sa kakulangan ng angkop na oportunidad para sa kanilang natapos.
 Ang bawat tao ay may kanya-kanyang ugali at pananaw sa buhay, isa rin ito sa mga dahilan ng kahirapan. Dahil sa iba-ibang paniniwala na hindi sakop ng kanilang kurso ang bakanteng posisyon sa isang kompanya ay binabalewala na lang ito. At may kompanya rin namang nambabalewala at tinitingnan lang ang titulong natapos at hindi ang husay at kakayahan nito.
Hindi lingid sa atin na maraming mamamayan ang isang kahig, isang tuka dahilan na rin ng kawalan ng disiplina at pag-asa sa buhay. Isa na rin ang social class sa ating bansa. Sa uri ng ekonomiya meron ang pilipinas makapangyarihan ang mayayaman, nakaaangat ang may alam. Kaya minsan may mga taong kapit sa patalim dahil sa kahirapan.

Kailangan ng tamang diskarte sa buhay at huwag mawalan ng pag-asa. Mahirap ka man o mayaman basta may SIPAG AT TIYAGA tiyak ang TAGUMPAY.



Dizzy Geromo 11 Confucius

Pagkagutom at Malnutrisyon ng mga Bata


Kahirapan ang pangunahing problemang kinakaharap ng bansa ngayon base sa aking nakikita. Bukod sa kakulangan ng hanapbuhay at tirahan ng mga kababayan nating hirap sa buhay, gutom rin ang isa sa mga problema nila. At dahil sa gutom, marami ang mga batang kulang sa nutrisyon at ang iba naman ay madalas magkasakit. Karamihan sa mga hirap sa buhay ay ang mga kababayan nating mga katutubo kagaya ng mga Badjao. Kalimitan sa kanilang mga lugar ay hindi sibilisado kung saan kakaunti lamang ang nakakapag-aral at nakakapagtrabaho ng matino. Kaya naman, lumuluwas sila sa mga syudad upang makipagsapalaran sa buhay sa pamamagitan ng panglilimos ng pera at pagkain. Natutulog sa kalye kasama ng pamilya at ang kanilang mga sanggol. Nang minsan akong naglalakad sa isang pasyalan ay sinalubong ako ng mga maliliit na bata at nanghihingi ng makakain. Wala akong barya noon kayat kahit nakokonsenya ako, hindi ko nalang sila pinansin. Oo, aaminin ko minsan hindi ako nagbibigay ng limos sa kanila. Ang mga batang nakasalubong ko ay mga batang Badjao na isa sa mga lumuwas upang manglimos. Ang katawan nila ay payat at bansot subalit malalaki ang mga tiyan nila. Mapuputla ang mga labi at mapapansin rin na hindi pa sila nliligo at nagpapalit ng damit. Puting puti ang kanilang mga mata at sira ang mga ngipin at halatang gutom, kulang sa timbang at sustansya. Nang sila'y aking sinundan ng tingin ay nakita kong papunta siya sa isang babaeng may bitbit na sanggol na ani mo'y hindi pa nababakunahan simula ng pagkasilang. Parang dinurog ang puso ko sa aking nasilayan at sa katotohanang hindi ko sila matutulungan dahil ako ay isang estudyante lamang na humihingi pa ng pambaon sa magulang. Sa estado ng mga batang nakita ko ay sigurado akong kulang sila sa mga nutrisyon kung saan tatawaging malnutrisyon. Masasabing ito ay malnutrisyon kapag ang bata ay bansot, malalaki ang tiyan at nanghihina. Maaari rin silang magkaroon ng mga impeksyon at madalas sipunin. May dalawang uri ng malnutrisyon. At sa nakita ko, positibo akong malnutrisyon ang dinaranas ng mga batang iyon. At sa palagay ko rin, kailangan itong maagapan bago pa man may mangyaring masama sa kanila. Tayong mga kabataan ay may magagawa upang matulungan ang mga batang ito. Sana lang magkaisa tayo upang maipaabot ang mensaheng ito sa ating gobyerno o sa mga taong nais tumulong nang sa ganon ay malapatan naman ng ngiti ang mga labi ng mga batang gutom. Hindi lamang dito sa Mindanao, kundi sa lahat ng parte ng Pilipinas na hindi naaabutan ng tulong.

Saul Villamil 11 confucius

KAHIRAPAN

Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang maling pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad? Sabi nga nila, “Katamaran ay kakahirapantumbas ng Kahirapan”, tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at kumita ng isang daang piso sa isang araw, pero sa kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad, pinakadahilan ng kahirapan. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain nila. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking kamalian sa parte ng mga pinuno. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng paninindigan. Kung magiging responsible lamang ang mga magulang ng mga batang kalye ay malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng mga gutom na bata ang makikita natin. Kung pinagaaral lamang sila ng kanilang magulang, malamang ay magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero may mga programa ang ating pamahalaan, maging ang local, para sa libreng pagaaral, pero mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno. Ang katotohanan ay, tayo mismo ang dahilan ng ating paghihirap, tayong mga mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang ay mababagao rin natin ang antas ng ating pamumuhay, pinuno ka man o simpleng mamamayan ay dapat magbago para sa ikauunlad nating lahat.

VINCENT GLENN TORMON-11 CONFUCIUS
KAHIRAPAN SA PILIPINAS

Sinasabing ang pilipinas ay isa sa mahirap na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba mahirap ang bansang Pilipinas? Sino ngaba ang dapat sisihin sa paghihirap ng ating mamamayan? Ang gobyerno nga ba, o tayo? Ang kahirapang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Ayun sa ating Pangulo na si Benigno Aquino III na susugpuin nya ang matinding kahirapan na nararanasan sa bansa na bahagi ng kanyang ipinangakong “tuwid na daan’. Masasabi ba nating nabigo nanaman ang mga pangako ng mga pulitiko patungkol sa kahirapan ng mga Pilipino?. Ang bansang pilipinas ay hindi pa rin nakalalaya sa kahirapan na sumisira sa bawat isa. Ang kahirapang ito ay isa sa mga problema ng ating bansa. Ang kahirapan nararamdaman ng mga Pilipino ay maikukumpara sa isang malagim na epidemya na kumakalat sa buong mundo hindi lamang sa ating bansa. Ang epidemyang ito ay patuloy na hinahanapan ng lunas ngunit ito’y mahirap makamtam.


 Ano ba ang mga sanhi ng kahirapan ng mga Pilipino? Ang kahirapang nagaganap ay dahil sa apat na rason, ang kakulangan sa edukasyon, lumalaking populasyon, kawalan ng trabaho, at ang korupsyon. Ang apat na ito ay konektado sa isa’t-isa. Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa mga pangunahin na nagdudulot ng kahirapan ng pilipinas. Kung ating titingnan ang kalagayan ng mga mag aaral, sampu sa mga estudyanteng nag-aaral ng elementary ay anim lamang sa kanila ang nakakapasok sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag aaral na nararaasan nila, nagiging sanhi ito upang may mga batang pinipili na lamang na maghanap ng trabaho o di kayanama’y huminto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kung susuriin ang lahat ng mga ito ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyante ang may kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral. DAhil sa mataas na matrikula sa kolehiyo nawawlan ng kakayahan makapag-aral ang mga mahihirap. At dahil sa kakulangan ng edukasyon sa ating bansa ito ang nagiging resulta o bunga ng kakulangan sa trabaho.

 Dahil sa kakulangan ng kakayahang makapag-aral, ito din ang nagiging dahilan upang hindi sila makahanap ng magandang trabaho. Ang ilan naman ay mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso at nakakapagtrabaho ng di tugma sa kanilang kursong natapos na tinatawag na “underemployed” at masasabing ang hindi pagtatapos ng ilang mga estudyante ay nagpapadami ng mga taong walang trabaho o tinatawag na “unemployed”. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho. Kung ating mapapansin karamihan sa mga walang trabaho ay laging nasa bahay, walang ginagawa o walang magawa o mapaglilibangan kaya nagiging pampalipas oras ng mag-asawa ang magtalik na nagsasanhi ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas.

 
Malaki ang nagiging epekto ng ganitong epedimya sa ating bansa. Ang epidemya ng kahirapan ay malaking suliranin ng ating bansa. Sa panunungkulan ni dating NCRPO Chief Alan Purisima, tumaas umano ang krimen at nagkaroon ng tinatawag na "crime wave" sa maynila. DAhil sa kawalan ng edukasyon wala silang kakayahan maghanap ng magandang trabaho. Eto ang nagiging dahilan kung bakit tumataas ag bilang ng krimen sa bansa. DAhil sa kahirapan sa buhay mas pinipili ng ilan na magnakaw, at pumatay para may maipakain lng sa kanilang pamilya. Ang problema sa kagutuman ay mauugat sa problema sa kahirapan na resulta ng kawalan ng trabaho at kakula­ngan ng trabaho. At ito ang dahilan kung bakit patuloy na dumarami ang bilang ng mga dumaranas ng kagutuman, kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa. Sa patuloy ng pagtaas ng mga bilihin ng lahat ng uri ng pangangailangan ng tao sa buhay ay mas lalong naghihirap ang mga mamayang Pilipino.


Edzel Marie Cabrera
Grade11-Confucius

 

           Kahirapan 

Sinasabing ang pilipinas ay isa sa mahirap na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba mahirap ang bansang Pilipinas? Sino ngaba ang dapat sisihin sa paghihirap ng ating mamamayan? Ang gobyerno nga ba, o tayo? Ang kahirapang isa sa mga mabibigat ng problema ng ating bansa. Ayun sa ating Pangulo na si Benigno Aquino III na susugpuin nya ang matinding kahirapan na nararanasan sa bansa na bahagi ng kanyang ipinangakong “tuwid na daan’. Masasabi ba nating nabigo nanaman ang mga pangako ng mga pulitiko patungkol sa kahirapan ng mga Pilipino?. Ang bansang pilipinas ay hindi pa rin nakalalaya sa kahirapan na sumisira sa bawat isa. Ang kahirapang ito ay isa sa mga problema ng ating bansa. Ang kahirapan nararamdaman ng mga Pilipino ay maikukumpara  sa isang malagim na epidemya na kumakalat sa buong mundo hindi lamang sa ating bansa. Ang epidemyang ito ay patuloy na hinahanapan ng lunas ngunit ito’y mahirap makamtam. 

Ano ba ang mga sanhi ng kahirapan ng mga Pilipino? Ang kahirapang nagaganap ay dahil sa apat na rason, ang kakulangan sa edukasyon, lumalaking populasyon, kawalan ng trabaho, at ang korupsyon. Ang apat na ito ay konektado sa isa’t-isa.  Ang kakulangan sa edukasyon ay isa sa mga pangunahin na nagdudulot ng kahirapan ng pilipinas. Kung ating titingnan ang kalagayan ng mga mag aaral, sampu sa mga estudyanteng nag-aaral ng elementary ay anim lamang sa kanila ang nakakapasok sa hayskul, at tatlo lamang sa kanila ang nakakaabot sa kolehiyo, at dahil sa matinding kahirapan o kakulangan sa panustos sa pag aaral na nararaasan nila, nagiging sanhi ito upang may mga batang pinipili na lamang na  maghanap ng trabaho o di kayanama’y huminto na muna sa pag-aaral upang makatulong sa kanilang pamilya, kung susuriin ang lahat ng mga ito ay lalabas na isa lamang sa sampung estudyante ang may kakayahang makapagtapos ng kanilang pag-aaral. DAhil sa mataas na matrikula sa kolehiyo nawawlan ng kakayahan makapag-aral ang mga mahihirap. At dahil sa kakulangan ng edukasyon sa ating bansa ito ang nagiging resulta o bunga ng kakulangan sa trabaho. DAhil sa kakulangan ng kakayahang makapag-aral, ito din ang nagiging dahilan upang hindi sila makahanap ng magandang trabaho. Ang ilan naman ay mga nakapagtapos ng kanilang napiling kurso at nakakapagtrabaho ng di tugma sa kanilang kursong natapos na tinatawag na “underemployed” at masasabing ang hindi pagtatapos ng ilang mga estudyante ay nagpapadami ng mga taong walang trabaho o tinatawag na “unemployed”. Patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang trabaho. Kung ating mapapansin karamihan sa mga walang trabaho ay laging nasa bahay, walang ginagawa o walang magawa o mapaglilibangan kaya nagiging pampalipas oras ng mag-asawa ang magtalik na nagsasanhi ng paglaki ng populasyon sa Pilipinas. 

Nakakatawa mang isipin pero yun naman talaga ang nangayayari. Dahil sa kawalan ng trabaho ang iba ay nag-aasawa ng maaga ang ilan namay maagang nabubuntis. DAhil sa pagiging iresponsable ng ilang magulang, napapabayaan nila ang kanilang mga anak. Ito’y nagpapatunay na ang kawalan ng trabaho ay nagiging sanhi ng mabilis na paglaki ng populasyon na siyang nagiging bunga ng kahirapan. Habang lumalaki ang bilang ng populasyon ay may mas malaking posibilidad na lumalaki rin ang bilang ng mga mahihirap sa ating bansa. Anu ba ang dapat gawin ng pamahalaan? May magagawa ba sila sa lumalalng kahirapan sa bansa kung mismo ang nasa pamahalaan ang nagiging dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino. Dahil sa malaking usapan hinggil sa pork barrel ang malaking tanong sa isip ng mga Pilipino ay kung saan napunta ang pera? Ang mga pondo na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap ay ginagamit ng ilan sa mgapulitiko para sa sarili nilang interes. Dahil sa mga kawatang mga pulitiko ay lalong naghihirap ang mga Pilipino. Dahil sa korupsyon lalong tumataas ang kahirapan sa pilipinas.

akin pananaw ay makikita natin na wala pa ring pag-unlad ang bansang pilipinas. Kung walang pagbabago ang bansang pilipinas, bakit hindi natin eto simulan sa ating mga sarili. Kung hahayaan natin na daigin na lamang tayo ng kahirapan at diktahan tayo kung anong uri ng pagkatao mayroon tayo, hindi malayong tayo ay maging mga alipin ng kahirapan. Totoo! Ang bawat isa sa atin ay nakikibaka sa kahirap at nagnanais na makaahon mula rito. Ang kahirapan ay hindi tinatakasan o tinatakbuhan, sa halip ito ay hinaharap at nilalabanan. Tuluyan tayong magiging malaya kung patuloy tayong magsisikap na makaahon sa kahirapan, kahit na para sa iba ay tila napaka-imposibleng mangyari. Siyempre  kung naghahangad tayo ng pagbabago, nararapat lamang na ito ay magsimula sa ating sarili at hindi sa ibang tao.   



                                  Hermann Andrei L. Banac
                                     XI-CONFUCIUS