Friday, 7 October 2016

Kawalan ng Trabaho

    Sa ating bansa, isa sa mga problema na hinaharap natin ay ang unemployment o kawalan ng trabaho. Ang unemployment o kawalan ng trabaho ay tumutukoy sa mga taong walang trabaho o hanapbuhay na maaring humantong sa kahirapan. Isa na sa mga naghihirap sa problemang ito ay ang mga Pilipinong walang pinagaralan o walang natapos na kurso dahil ito ang pinaka importanteng kwalipikasyon sa pagkuha ng trabaho. Marami sa mga kababayan natin ang walang pinagaralan dahil sa kakulangan ng pera o suportang pinansyal na natatanggap nila sa kanilang magulang.

    Mayroong mga paraan para masolusyunan ang problemang ito, ang pagpaparami ng negosyo sa ating bansa ang isa sa mga epektibong solusyon sa problemang ito dahil pag dumami ang negosyo, tataas ang employment rate o bilang ng trabaho at maaari itong maging oportunidad ng mga taong walang trabaho. Ang pagkuha ng mga vocational courses ay isa sa mga  mainam solusyon sa problemang ito dahil dadami ang iyong oportunidad para makakuha ng trabaho kapag ikaw ay nakapasa sa kurso. Ganito kahalaga ang edukasyon dahil pag walang pinag-aralan ang isang tao, mahihirapan siyang makakuha ng trabaho at maaring humantong sa kahirapan.


/Edsel Jay A. Perez

No comments:

Post a Comment