Saturday, 8 October 2016

Kahandaan sa Sakuna at Kalamidad

Kung mapapansin natin, ang Pilipinas ay talagang madaling matamaan ng mga sakuna at kalamidad. Halimbawa nito ay pagkakaroon ng malakas na pag-ulan. Ang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagdudulot agad ng malawakang pagbaha sa mga natamaang mga lugar na nagiging sanhi ng mga sakuna tulad ng pagkakaroon ng lagnat, sipon ubo at iba pa. Kadalasan ang natatamaan nito ay mga bata. Ang Leptospiroses Dengue at iba pa ay dulot ng mga maruruming tubig na dala ng ulan. Ang pinakasanhi talaga ng mga pagbaha ay ang kawalan ng daluyan ng tubig.

Isa pang lumalalang sakit ngayon ay ang Zika Virus na dulot ng mga lamok. Mga lamok na kay liliit pero maaaring wakasan ang iyong buhay ng isang iglap lang. Ang Zika Virus ay may kaugnayan sa mga virus tulad ng Dengue, West Nile, at Yellow Virus. Ito ay isang lamok na may dalang virus o nalipat na virus, at ang pangunahing lamok na nagdadala ng virus ay tinatawag na Aedes Aegypti, kung saan magkaparehong pangalan sa lamok na may dalang dengue. Ayon sa WHO ang Brazil ay isa sa mga malalaking bansa kung saan maraming mga mamamayan ang naapektuhan ng Zika Virus. Kumakalat din ito sa bansang Amerika. Talagang lubhang napakadelikado ng Virus na ito. Marami-rami narin ang mga naitatala na natamaan ng sakit na ito dito sa Pilipinas at dapat ay maging handa tayo sa maaaring pagkalat nito sa atin.

Kung pagbabasehan, ang Pilipinas ay talagang hindi pa kagaaong kahanda sa mga sakunang katulad nito. Gayunpaman, mas makakabuting mag ingat tayo sa lamok. Panatilihing malinis ang paligid at iwasan ang pag-imbak ng tubig na maaaring bahayan ng lamok. Isa ding paraan ay ang paglalagay ng screen ng mga bintana upang hindi makapasok ang lamok sa bahay. Kung maaari, magsuot ng pajama, long sleeves o mga damit na mahaba sa gabi upang makaiwasa sa kagat ng lamok. Iwasan rin ang pagtatapon ng basura kahit saan. Ang mga plastics at cellophane ay nagdudulot ng pagbara sa mga kanal. Mas mabuti pa rin gawin ang palaging paghahanda sa una palang agad. Sabi nga nila prevention is better than cure at harapin natin kung ano mang mga sakunang dadating dito sa atin na may pananalig sa Poong Maykapal.



~Reynald Lumamba~

No comments:

Post a Comment