"Paano na ako ngayon?"
"Paano na ang pamilya ko?"
"Saan na ako kukuha ng pera para sa aking pamilya?"
Ilan lamang iyan sa mga salitang naririnig natin sa mga taong nadidihado o nawawalan ng trabaho. Ang paghahanap ng trabaho ay hindi biro, ang ilan nga sa atin ay naghahanap pa ng ilang alternatibong paraan upang magkaroon ng hanapbuhay.
Dahil sa kawalan ng trabaho, ang ilan sa ating mga kapwa Pilipino ay napipilitang lumuwas at mangibang bansa upang mag hanapbuhay. Ang ilan nga ay kapit pa sa patalim upang may maipakain sa kanilang pamilya.
Ayon sa DOLE o Department Of Labor and Employment, ilang porsyento lang ng mga Pilipino ang may magandang trabaho dito sa Pinas at 25.4 % o katumbas ng mahigit 11 milyong Pilipino mula edad Labing walo (18) ang kasalukuyang walang trabaho.
Ilan sa magiging epekto ng kawalan ng trabaho ay una, ang Kahirapan. nang dahil sa kawalan ng trabaho, nagreresulta ito ng kahirapan dahil wala na tayong mapagkukunan (source of income) ng ating mga Biolohikal na pangangailangan kagaya nalang ng bahay, pagkain at iba pa.
Pangalawa, nagreresulta din ito ng pagkagutom o malnutrisyon lalong-lalo na sa mga bata. Ang ilan sa ating mga kabataan ay naaapektuhan dahil sa kawalan ng trabaho ng mga magulang. Dahil dito, nagreresulta ito ng pagkagutom o malnutrisyon sapagkat hindi na masyadong nabibigyan o natutugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.
Isa pa dito, ang katiwalian sa pamahalaan. Dahil sa takot na mawalan ng trabaho, ang ilan sa ating mga politiko ay mas pinipiling gumawa ng kamalian at pagtakpan ang mga kasalanan. Talamak na ang gusot sa pamahalaan, kabilang na dito ang pagka sangkot nila sa ilang isyu sa lipunan. Kaya hindi umuunlad ang Pilipinas dahil imbis na sa kahon ng bayan, napupunta sa bulsa ng iba nag pera ng mamamayan.
Maaari nating matugunan ang kawalan ng trabaho. Sa pamamagitan ng paghahanap ng Alternatibong paraan, kagaya nalang ng pagnenegosyo, at iba pang paraan ng paghahanap buhay.
Hindi ko naman sinasabing magpaka bayani tayo, ang akin lang ay magkaisa tayo para sa ikabubuti ng ating bayan.
Kaya bilang mga Pilipino, Magimg marangal para sa kapwa at para sa bayan.
- Anacel V. Patrolla
No comments:
Post a Comment