KAHIRAPAN
Sa panahon ngayon maraming mga mtaong nakakaranas ng kahirapan halos lahat tayo napagdaanan na natin ito. ,Nang dahil sa kahirapan nagreresulta ito ng kakulangan sa pera para lamang pangtustus sa ating mga pangangailangan sa ating pangaraw-araw na gawain sa buhay .Ang iba namay sa kawalan ng trabaho nang dahil nadin sa hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
Kaya sa ating panahon ay maraming mga batang hindi nakapag-aral dahil sa walang maipang-gagastos ang kanilang mga magulang.Sa kahirapan pera ang kauna- unahang pangangailangan ng tao sa buhay.Kaya naman sana ang gobyerno matulungan ang mga pilipino na makahanap ng trabaho para may pang-tustus sila sa kanilang mga anak.Kaya din naman na mas lalo tayong naghihirap dahil sa nagtatamad tamadan tayo sa buhay , kaya hindi tayo umaasenso sa buhay.
Ako din naman nakaranas ng hirap lalo na ngayon, ang ama ko tricycle driver lamang pero sa pagkakayod niya eh nakakakain kami araw-araw, ang ina ko naman ay sumasideline ng mga trabaho para lamang makabili kami ng gamit para sa eskwelahan.Kaya nagpapasalamat din ako dahil nakakapag-aral pa kami ng kapatid ko, Na kahit maliit lamang ang kinikita ng aking magulang eh nakakakain parin kami ng maayos.
Kaya ako bilang estudyante ay magsisikap ako ng maayos para naman makaranas ako at ang pamilya ko ng kaginhawaan sa buhay, at kapalit na din ito ng pagtataguyod ng aking magulang sa aming magkapatid.sa paraang ito ay makakabawi ako sa kanilang pag-aalaga sa aming magkapatid.Kaya tayong mga pilipino ay matuto tayong buamagon sa buhay ,para naman umasenso din tayo, Hindi dapat parati lang ganito ang ating estado sa buhay. pwede din tayong makaranas ng kaginhawaan sa buhay kung magsususmikap din tayo.
MARTY DOMINIQUE R. CABASAG 11-CONFUCIUS
No comments:
Post a Comment