Wednesday, 5 October 2016

KAHIRAPAN SA ATING BANSA

Bakit nga ba laganap ang kahirapan sa ating bansa? Bakit marami ang dumaranas ng kahirapan? Kailan mo ba masasabi na uulanlad ang ating bansang Pilipinas ? Uunlad pa ba tayo ?Marami tayong pangangailangan na hindi nasusulusyonan isa na doon ang kahirapan.
Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayong sa malaking problema, ang kahirapan. Sinasabi nang iba na mayaman tayo sa likas na yaman, oo mayaman pero iba ang nakikinabang. Sa kadahilanang hindi tayo marunong kumontrol sa ating yaman. Sa lakas ng paggawa ay lamang tayo sa ibang bansa dahil ang mga Pilipino ay likas na masisipag at matatyaga.

At isa sa mga dahilan ng ating kahirapan ay ang korap na opisyal na gobyerno na ninanakaw nila ang kaban o pondo ng mga mga tao. Ang lahat ng pinaghirapan ng mga nagtatrabaho para sa ikakaunlad ng ating bansa ay napupunta sa bulsa ng mga opisyal ng gobyerno kung kaya sila rin ay isa sa dahilan kung bakit naghihirap ang mga Pilipino.

Isa pang dahilan ay ang katamaran at pag-uugali ng mga Pilipino. Masakit isipin pero totoo na ang iba ay nakahilata lamang maghapon sa bahay nila at hindi gumagawa ng paraan upang matulungan o mabawasan man lang ang kahirapang kanilang hinaharap. Walang tyagang humananp ng trabaho o paraan upang maiahon ang kahirapan na kanilang tinatamasa at nakukuntento na lamang sa salat nilang pamumuhay.
Kailan ba tayo magsisimulang aahon? Kalian pa tayo kikilos upang magbago ang takbo ng ating buhay? Ano pa nga bang hinihintay natin? Ang patuloy pang lumala ang kahirapan na ating natatamasa? Bakit hindi tayo kumilos? Magsikap tayo habang maaga pa, baka sa susunod huli na.
-Baby Joy Sasi

No comments:

Post a Comment